Statement of Sen. Idol Raffy Tulfo on return of Mary Jane Veloso
December 18, 2024
Statement of Sen. Idol Raffy Tulfo on return of Mary Jane Veloso
Ahead of Christmas Day, our kababayan Mary Jane Veloso is finally back in the Philippines. Matapos ang 14 taon na pagdurusa sa death row sa Indonesia, matagumpay na naisalba ng ating gobyerno ang kanyang buhay at mas mapapalapit na siya sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.
Biktima si Mary Jane ng human at drug trafficking noong April 25, 2010 nang siya ay maaresto sa Indonesia at nahatulan ng kamatayan. Sa kabila nito, hindi tumigil ang ating gobyerno na magpursige upang maantala ang kanyang execution at maibalik siya ng buhay sa bansa.
Kaya Bilang Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers, masaya ako na naging matagumpay ang pakikipagugnayan at pakikipagnegosasyon ng ating Pangulong Bongbong Marcos Jr., katuwang ang Department of Foreign Affairs, sa Indonesian government.
I also express my heartfelt gratitude to Indonesian President Prabowo Subianto for agreeing to repatriate Mary Jane.
Pero hindi rito natatapos ang lahat. Ang pangyayaring ito ay paalala rin na dapat nating ipagpatuloy at mas paigtingin pa ang pagmomonitor at pagtutok sa kalagayan ng mga kababayan natin sa ibang bansa para masiguro na wala ni isa sa kanila ang malalagay sa panganib.
Hiling ko ang patuloy na kaligtasan ng ating mga kababayan saan mang sulok ng mundo.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.