There were 1,763 press releases posted in the last 24 hours and 405,766 in the last 365 days.

Gatchalian urges taxpayers to seize Estate Tax Amnesty Extension amid 'Tax Awareness Month'

PHILIPPINES, February 17 - Press Release
February 17, 2025

Gatchalian urges taxpayers to seize Estate Tax Amnesty Extension amid 'Tax Awareness Month'

As the country observes Tax Awareness Month this February, Senator Win Gatchalian reminded taxpayers to avail of the government's estate tax amnesty program which has been extended from June 15, 2023 to June 14 of this year.

Republic Act 11956, a law principally authored and sponsored by Gatchalian, extends the estate tax amnesty program by two years to give the legal heirs, transferees, or beneficiaries enough time to pay the excise taxes due on the properties they inherited from deceased relatives. The amnesty allows for payment at a reduced rate, as heirs will not face penalties or interest for late payment. The law also expands the coverage of the amnesty to include individuals who passed away as of May 31, 2022, replacing the previous cutoff date of December 31, 2017.

"Now is the perfect opportunity for heirs and beneficiaries to prepare for their payment, which should be made on or before the extended deadline, while they are already budgeting for their expenses in the first half of the year," said Gatchalian, chairperson of the Senate Committee on Ways and Means.

"We need to promote and enhance tax education so that we can properly equip taxpayers in fulfilling their obligations in the hope of increasing tax compliance and generating much-needed revenues that would finance government programs and much-needed infrastructure," he emphasized.

The law stipulates that filing can be made either manually or electronically with any authorized agent bank or Revenue District Office by the heirs and beneficiaries. It also includes an installment payment option to encourage these taxpayers to avail of the amnesty program.

The lawmaker explained that availing the amnesty program would enable taxpayers to realize the full potential of their assets. "Mabibigyan na ng pagkakataon ang mga taxpayers na gawing pormal ang kanilang pagmamay-ari ng anumang ari-arian at masisiguro nila ang kanilang mga karapatan bilang mga lehitimong may-ari," Gatchalian said.

The senator also mentioned that Tax Awareness Month is a key opportunity to strengthen public support for revenue initiatives and boost tax collection. To assist taxpayers, Gatchalian authored Republic Act 11976, or the Ease of Paying Taxes Act, aimed at simplifying the tax system and making compliance easier for individuals and small businesses.


Paalala ni Gatchalian sa publiko: Samantalahin ang Estate Tax Amnesty Extension sa gitna ng 'Tax Awareness Month'

Sa pagdiriwang ng bansa ng Tax Awareness Month ngayong Pebrero, pinaalalahanan ni Senador Win Gatchalian ang mga taxpayers na samantalahin ang ibinibigay na extension para sa estate tax amnesty program ng gobyerno kung saan pinalawig ang deadline hanggang Hunyo 14 ng taong ito mula sa dating Hunyo 15, 2023.

Pinalawig ng Republic Act 11956 ang deadline ng pagfa-file ng estate tax amnesty program ng dalawang taon upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga legal heirs, transferees, o mga benepisyaryo na magbayad ng excise taxes sa kanilang mga ari-arian na minana nila sa mga namatay na kamag-anak. Ang naturang batas, kung saan pangunahing may-akda at sponsor si Gatchalian, ay nagbibigay-daan para sa pagbabayad ng mas mababang halaga, dahil ang mga tagapagmana ay hindi na kailangang magbayad ng anumang parusa o interes. Pinalawak din ng batas ang saklaw ng amnestiya upang isama ang mga indibidwal na pumanaw na noong Mayo 31, 2022. Pinalitan nito ang unang petsa ng cutoff na Disyembre 31, 2017.

"Ngayon na ang panahon para sa mga tagapagmana at benepisyaryo na paghandaan ang pagfa-file nila ng estate tax sa kanilang mga ari-arian habang nagba-budget na ng kanilang mga bayarin bago ang pinalawig na petsa sa June 14," sabi ni Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Ways and Means.

"Kailangan nating isulong at paigtingin ang tax education upang matulungan ang mga taxpayers sa pagtupad ng kanilang mga obligasyon na inaasahan nating magpapataas ng koleksiyon ng buwis na siyang magtutustos sa mga programa ng gobyerno tulad ng mga kinakailangang imprastraktura," diin ng senador.

Itinatakda ng batas na ang paghahain ng excise tax ay maaaring gawin nang manu-mano o elektronikong paraan sa alinmang authorized agent bank o Revenue District Office ng mga tagapagmana at benepisyaryo. Nakapaloob din sa batas ang isang installment payment option para hikayatin ang mga nagbabayad ng buwis na ito na mag-avail ng amnesty program.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ang pag-avail ng amnesty program ay magbibigay daan sa mga taxpayers na mapakinabangan nang husto ang kanilang mga ari-arian. "Mabibigyan na ng pagkakataon ang mga taxpayers na gawing pormal ang kanilang pagmamay-ari ng anumang ari-arian at masisiguro nila ang kanilang mga karapatan bilang mga lehitimong may-ari," sabi ni Gatchalian.

Binanggit din ng senador na ang Tax Awareness Month ay isang mahalagang pagkakataon para palakasin ang suporta ng publiko sa mga inisyatiba ng gobyerno at paigtingin ang pangongolekta ng buwis. Upang tulungan ang mga taxpayers, iniakda ni Gatchalian ang Republic Act 11976, o Ease of Paying Taxes Act, na naglalayong gawing simple ang sistema ng pagbubuwis at mas madali para sa mga indibidwal at maliliit na magbayad ng tamang buwis sa takdang oras.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.