Statement of Senator Imee R. Marcos regarding 2025 Bicam
December 16, 2024
Statement of Senator Imee R. Marcos regarding 2025 Bicam
Minabuti ko munang maghanap ng mga papeles at dokumento bago sana magsalita at magbigay ng reaksyon- ngunit sa kasamaang-palad, lahat kami ay nangangapa sa dilim. Walang mga detalye o paliwanag, ni walang konkretong numero. Ang tanging hawak ko ay ang ilang datos ng DSWD na talagang nilapastangan, lalo na itong PhilHealth.
Ganunpaman, sinisiguro ko sa taumbayan na hindi ako pumirma sa kahit anong papel hinggil sa badyet ng 2025, o sa Bicam report niyan, na nagsusulong magbawas ng pera sa mga lehitimong proyekto para lamang dito sa AKAP- na tinutulan ko na! Paano naman ako pipirma sa blangko't kulang-kulang na papel?
Nananawagan ako sa aking kapatid, ang ating mahal na Pangulong Bongbong - kung mahina ang aking boses mag-isa, ngayon nawa ay marinig mo ang sama- samang sumamo ng taumbayan.
Noong ikaw ay nagSONA, nagsabi ka ng mga proyektong dapat unahin- ngayon, sinusuway ka ng ilang taong akala mong makabubuti para sa sayo at sa bayan.
Nakikiusap ako, pakitutukan mo ang isyu ng pondo at badyet; at ipaalala na ang pakikialam ng mga mambabatas sa ilang departamento at sangay ng gobyerno ay labag sa batas at sa konsensya ng tao.
Ayaw kitang mapahamak, ayaw kong mabigo ang pamamahala mo. Mag-ingat tayo sa mga pinagkakatiwalaan, at pakinggan ang boses ng taumbayan para sa kapakanan ng mas nakararami at nangangailangan.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.