There were 1,625 press releases posted in the last 24 hours and 399,263 in the last 365 days.

'Sana araw-araw ay Pasko': Cayetano urges Taguigeños to embody Probinsyudad values every day

PHILIPPINES, December 1 - Press Release
December 1, 2024

'Sana araw-araw ay Pasko': Cayetano urges Taguigeños to embody Probinsyudad values every day

Choose to be part of the solution rather than the problem.

This was the holiday message of Senator Alan Peter Cayetano to his fellow Taguigeños during the grand opening of this year's "The Lights of CHRISTmas" Park (TLC Park) on Saturday, November 30.

Thousands of Taguigeños attended the ceremony, which marked the third year of the largest lights park in the country.

In his speech, Cayetano urged Taguigeños to live out the core values of the "Probinsyudad" - love, progress, and integrity - not just during Christmas but throughout the year.

"'Yung prinsipyong pinaniniwalaan natin sa Taguig - pagmamahalan, progress dahil ipinagbawal ang lahat ng klase ng sugal, prinsipyo na walang droga - sana po araw-araw 'yan ay magiging totoo," he said.

"Kung tayo ay tunay na Probinsyudad, sana araw-araw ay Pasko," he added.

He gave a practical example of this mindset where he emphasized the importance of taking responsibility for the community.

"Tayo dapat ay makatulong, at kung hindi tayo makakatulong, 'wag na tayong makasakit pa," he said.

"Example: Napakaganda ng ating park. Sana kung may makita tayo na nagtapon ng basura, tayo na rin ang pumulot. Pero kung ikaw pa ang magtatapon - e nakinabang ka na, dudumihan mo pa y'ung ating park," he continued.

Cayetano closed his message by wishing for a brighter future for all Filipinos, expressing his hope that 2025 would be a "year of light."

"Ang aking wish sa inyong lahat sa 2025 ay taon ng liwanag... Let's not underestimate the importance of truth and fighting for the truth," he said.

The TLC Park, which is the brainchild of Cayetano's wife Taguig Mayor Lani Cayetano, is open to all until January next year.


'Holiday message ni Cayetano: Maging parte ng solusyon, hindi ng problema

"Tayo dapat ay makatulong. At kung hindi tayo makakatulong, 'wag na tayong makasakit pa."

Ito ang binigyang diin ni Senador Alan Peter Cayetano sa kanyang mensahe sa mga kapwa Taguigeño sa grand opening ng "The Lights of CHRISTmas" Park (TLC Park) nitong Sabado, November 30.

Libu-libong Taguigeño ang dumalo sa seremonya para saksihan ang taunang pagbubukas ng pinakamalaking lights park sa bansa, na unang binuksan noong 2022.

Sa kanyang talumpati, hinimok ni Cayetano ang mga kababayan na gawing araw-araw ang Pasko sa Taguig.

Aniya, bilang isang Probinsyudad, dapat lang na ang mga prinsipyo ng pagmamahalan, pag-unlad, at integridad ay isinasabuhay araw-araw, hindi tuwing kapaskuhan lang.

"'Yung prinsipyong pinaniniwalaan natin sa Taguig - pagmamahalan, progress dahil ipinagbawal ang lahat ng klase ng sugal, prinsipyo na walang droga - sana po araw-araw 'yan ay magiging totoo," wika niya.

"Kung tayo ay tunay na Probinsyudad, sana araw-araw ay Pasko," dagdag niya.

Bilang konkretong halimbawa, hinikayat niya ang mga kababayan na ugaliing maging solusyon sa komunidad imbes na maging parte ng problema.

"Halimbawa: Napakaganda ng ating park. Sana kung may makita tayo na nagtapon ng basura, tayo na rin ang pumulot. Pero kung ikaw pa ang magtatapon - e nakinabang ka na, dudumihan mo pa y'ung ating park," wika niya.

Sa kanyang pagwawakas, hiniling ni Cayetano na maging "taon ng liwanag" ang 2025 para sa lahat ng Pilipino.

"Ang aking wish sa inyong lahat sa 2025 ay taon ng liwanag... Let's not underestimate the importance of truth and fighting for the truth," he said.

Ang TLC Park, na proyekto ng asawa ni Cayetano na si Taguig Mayor Lani Cayetano, ay bukas sa publiko hanggang Enero ng susunod na taon.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.