Gatchalian: Multiple solutions needed to address classroom shortage
November 3, 2024
Gatchalian: Multiple solutions needed to address classroom shortage
Senator Win Gatchalian pressed the need to utilize multiple solutions to address the perennial shortage of classrooms in the country.
Based on the Department of Education's (DepEd) National School Building Inventory as of 2023, the classroom shortage is estimated at 165,443. Addressing this shortage requires an estimated budgetary allocation of P413.6 billion. Considering the enormous budgetary requirements, Gatchalian emphasized the need for innovations to make progress in reducing the classroom shortage.
Among Gatchalian's proposed solutions is the implementation of a 'counterpart program,' where participating local government units (LGUs) shoulder 50% of the cost of constructing new classrooms, while the national government shoulders the other 50%. Gatchalian recalled that a similar program was implemented when he was Mayor of Valenzuela City. According to the lawmaker, sharing the responsibility between the national government and local government units will pave the way for the simultaneous construction of more classrooms.
Gatchalian added that the Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) should help decongest overcrowded public schools. Public-private partnerships can also be utilized to address the classroom shortage, Gatchalian said.
"Dahil napakarami pang kulang na silid-aralan sa ating bansa at sa laki ng halagang kakailanganin natin upang mapunan ang naturang kakulangan, kailangang humanap tayo ng iba't ibang mga paraan upang matugunan ang hamong ito. Kung hindi tayo magiging maparaan sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, patuloy lamang na lalaki ang mga kakulangang haharapin natin," said Gatchalian, Chairperson of the Senate Committee on Basic Education.
A discussion led by the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) flagged the underutilization of the Basic Education Facilities Fund (BEFF) as one of the reasons for the delay in school infrastructure construction. For 2023, only 192 out of the target 6,379 classrooms were built, according to a report by the Commission on Audit. The discussion also flagged bottlenecks in the procurement and in the coordination between the DepEd and the Department of Public Works and Highways (DPWH).
Gatchalian: Kailangang maging maparaan upang matugunan ang kakulangan sa classroom
Binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangan para sa iba't ibang mga solusyon upang matugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa.
Batay sa National School Building Inventory ng Department of Education (DepEd) noong 2023, tinatayang umaabot sa 165,443 ang kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa. Tinataya namang P413.6 bilyon ang kinakailangang pondo upang mapunan ang mga kakulangang ito. Dahil sa laki ng kakailanganing pondo para makapagpatayo ng mga karagdagang silid-aralan, binigyang diin ni Gatchalian na kinakailangang humanap ng iba't ibang paraan upang matugunan ang pangangailangan ng sapat na bilang ng mga classroom.
Isa sa mga isinusulong ni Gatchalian ang pagpapatupad ng tinatawag na 'counterpart program,' kung saan pinopondohan ng mga nakikilahok na local government units (LGUs) ang 50% ng halagang kailangan para sa pagpapatayo ng mga bagong classrooms, habang sagot naman ng national government ang natitirang 50%. Ganito rin ang programang ipinatutupad noong panahong naninilbihan pa si Gatchalian bilang alkalde ng lungsod ng Valenzuela. Ayon sa mambabatas, mapapabilis sa ganitong paraan ang pagpapatayo ng mga silid-aralan
Binigyang diin din niya ang papel ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) upang mabawasan ang siksikan sa mga pampublikong paaralan. Maaari rin aniyang gamitin ang public-private partnerships upang tugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan.
"Dahil napakarami pang kulang na silid-aralan sa ating bansa at sa laki ng halagang kakailanganin natin upang mapunan ang naturang kakulangan, kailangang humanap tayo ng iba't ibang mga paraan upang matugunan ang hamong ito. Kung hindi tayo magiging maparaan sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, patuloy lamang na lalaki ang mga kakulangang haharapin natin," ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.
Sa isang talakayang pinamunuan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), pinuna ang hindi mabisang paggamit sa Basic Education Facilities Fund (BEFF) bilang isa sa mga dahilan kung bakit naaantala ang pagpapatayo ng mga silid-aralan. Noong nakaraang taon, 192 lamang sa 6,379 na mga silid-aralan ang naipatayo batay sa isang ulat ng Commission on Audit. Binigyang diin din sa naging talakayan ang mga hamon sa procurement at sa ugnayan sa pagitan ng DepEd at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
![](https://www.einpresswire.com/tracking/article.gif?t=2&a=33e4_CWkK-lEUTS3&i=1P1qzvLBNUerPB2W)