Senator Win's opening statement:
October 8, 2024
SENATOR WIN'S OPENING STATEMENT:
Women, Children, Family Relations and Gender Equality joint with Migrant Workers; and Public Order and Dangerous Drugs Hearing
SEN. WIN: After many times of speculation, yung Al Jazeera documentary, yung kauna-unahang documentary na nakita ko sa merong detalye tungkol sa spying activities sa ating bansa.
At nakita natin na ang POGO hindi lang ginagamit sa criminal activities for human trafficking, money laundering, torture, ito na rin ang naging gateway sa mga ibang bansa para gumawa ng spying activities, surveillance activities sa ating sariling lugar.
At ang nakakatakot dito ay na-penetrate ang ating political system. Si Guo Hua Ping tumakbo, nanalo bilang mayor ng isang bayan. Hindi natin alam kung saan pa siya pwedeng pumunta, congressman, governor, even higher office.
At ganitong asset at ganitong access ng ibang bansa ay nakaka-penetrate na, nakakapasok na sa sarili nating political system. Talagang obvious na napakalaki ang mga gaps o butas ng ating sistema na dapat nating takpan.
Isa na dito ay yung late registration birth certificate na naging daan para sa maraming kriminal maging pekeng Pilipino at gumawa ng krimen sa sarili nating bansa. At importante rin ang ating mga defense at intelligence agencies na tingnan ito ng masinsinan dahil ito ay dapat natin gawing eye-opener, magbukas ng ating isipan na dahil sa kahinaan ng ating sistema, nakakapasok ang ibang bansa sa sarili nating political system. Hindi natin pwedeng balewalain ito. At importante na ating defense at intelligence agencies ay seryosohin itong bagay na ito.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.