There were 1,527 press releases posted in the last 24 hours and 400,377 in the last 365 days.

Gatchalian urges vigilance vs. growing fire incidents; distributes relief goods to fire victims in Cavite

PHILIPPINES, September 28 - Press Release
September 28, 2024

Gatchalian urges vigilance vs. growing fire incidents; distributes relief goods to fire victims in Cavite

Senator Win Gatchalian called for increased vigilance in response to the growing number of fire incidents this year, citing a 40 percent increase compared to last year.

Gatchalian specifically referred to the Bureau of Fire Protection's (BFP) report, which recorded 9,568 fire incidents from January to May this year, compared to the same period last year.

Gatchalian distributed 528 sacks of 50-kilogram rice to fire victims from 2 separate fire incidents in Bacoor, Cavite. On August 7, a fire razed about 600 houses in Sitio Wawa in Barangay Zapote 3. Another fire broke out in Sitio Kanluran, Barangay Zapote III, Bacoor Cavite on September 10 which destroyed over 800 houses made of light materials and affected at least 1,000 families.

"Ang pinsalang dulot ng sunog ay umaabot sa pagkawala ng ari-arian, kabuhayan, at kaligtasan, kaya't mahalaga ang ibayong pag-iingat at kahandaan upang maiwasan ang trahedyang ito," Gatchalian emphasized.

The senator further noted that fire prevention programs should be strengthened, particularly in areas where houses are densely built. "Kapag nagsimula ang sunog sa mga lugar na ito, marami sa ating kababayan ang naaapektuhan dahil mabilis kumalat ang apoy," he added.


Gatchalian nanawagan ng pagiging alerto kontra sunog; namahagi ng ayuda sa mga Caviteño

Nanawagan si Senador Win Gatchalian para sa mas mataas na antas ng pag-iingat sa gitna ng tumataas na bilang ng mga insidente ng sunog ngayong taon, na tumaas ng 40 porsyento kumpara noong nakaraang taon.

Partikular na binanggit ni Gatchalian ang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), na nagtala ng 9,568 na insidente ng sunog mula Enero hanggang Mayo ngayong taon, kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Namahagi si Gatchalian ng 528 sako ng bigas na tig-50 kilo para sa mga biktima ng dalawang magkaibang insidente ng sunog sa Bacoor, Cavite. Noong Agosto 7, isang sunog ang tumupok sa humigit-kumulang 600 kabahayan sa Sitio Wawa, Barangay Zapote 3. Isa pang sunog ang sumiklab sa Sitio Kanluran, Barangay Zapote III, Bacoor, Cavite noong Setyembre 10 na tumupok sa mahigit 800 kabahayan na yari sa magagaan na materyales at nakaapekto sa hindi bababa sa isang libong pamilya.

"Ang pinsalang dulot ng sunog ay umaabot sa pagkawala ng ari-arian, kabuhayan, at kaligtasan, kaya't mahalaga ang ibayong pag-iingat at kahandaan upang maiwasan ang trahedyang ito," binigyang-diin ni Gatchalian.

Dagdag pa ng senador, dapat palakasin ang mga programa para maiwasan ang mga insidente ng sunog, lalo na sa mga lugar kung saan siksikan ang mga bahay. "Kapag nagsimula ang sunog sa mga lugar na ito, marami sa ating kababayan ang naaapektuhan dahil mabilis kumalat ang apoy," dagdag pa niya.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.