Gatchalian hopeful PBBM will tackle education crisis, reforms in SONA 2024
July 20, 2024
Gatchalian hopeful PBBM will tackle education crisis, reforms in SONA 2024
Senator Win Gatchalian hopes that President Ferdinand Marcos, Jr.'s State of the Nation Address (SONA) will tackle reforms to address the country's education crisis.
When President Marcos delivers his SONA, the Department of Education (DepEd) will already be under the leadership of Secretary Sonny Angara. According to Gatchalian, the SONA should be an occasion for the President to publicly give his marching orders on the basic education sector, which should include clear targets that the administration should accomplish until 2028.
"Umaasa ako na tatalakayin ng ating Pangulo sa kanyang SONA ang mga repormang kinakailangan upang iangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa at tugunan ang krisis na bumabalot sa sektor. Mahalagang pagkakataon ang SONA upang talakayin ang mga kinakailangang reporma, lalo na't may bago nang liderato ang DepEd," said Gatchalian, Chairperson of the Senate Committee on Basic Education.
The President previously told the new DepEd Chief that he wants senior high school graduates to be job ready. To realize this goal, Gatchalian is pushing for the passage of his proposed 'Batang Magaling Act' (Senate Bill No. 2367), which seeks to align the senior high school program with market needs identified by industry partners and government agencies. The proposed measure also seeks to institutionalize free national competency assessments for the awarding of national certifications.
The ARAL Program Act (Senate Bill No. 1604), which Gatchalian authored, is included in the priority measures of the Legislative-Executive Development Advisory Council. The ARAL Program seeks to provide a national learning intervention program, which shall include well-systematized tutorial sessions and well-designed intervention plans.
Gatchalian added that the Second Congressional Commission (EDCOM) will continue working with the administration to push for needed reforms.
Gatchalian umaasang tatalakayin ng Pangulo sa SONA ang krisis, reporma sa edukasyon
Umaasa si Senador Win Gatchalian na tatalakayin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) and pangangailangan sa reporma sa sistema ng edukasyon sa bansa upang matugunan ang krisis na bumabalot sa sektor.
Nataon na bago na ang kalihim ng Department of Education (DepEd) sa SONA ng Pangulo sa Lunes. Ayon kay Gatchalian, magandang pagkakataon ang SONA upang ideklara ng Pangulo sa publiko ang kanyang marching orders para sa sektor ng edukasyon, kabilang na ang mga malilinaw na target na dapat maipatupad ng administrasyon hanggang 2028.
"Umaasa ako na tatalakayin ng ating Pangulo sa kanyang SONA ang mga repormang kinakailangan upang iangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa at tugunan ang krisis na bumabalot sa sektor. Mahalagang pagkakataon ang SONA upang talakayin ang mga kinakailangang reporma, lalo na't may bago nang liderato ang DepEd," ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.
Matatandaang sinabi ng Pangulo kay DepEd Secretary Sonny Angara na dapat ihanda sa labor market o trabaho ang mga senior high school graduates. Upang makamit ang layuning ito, isinusulong ni Gatchalian ang pagsasabatas ng kanyang panukalang 'Batang Magaling Act' (Senate Bill No. 2367) na layong iugnay ang senior high school programs sa mga pangangailangang tukoy ng pribadong sektor at ng pamahalaan. Layon din ng naturang panukala na gawing institutionalized ang libreng national competency assessments upang mabigyan ng libreng national certification ang mga senior high school graduates.
Ang ARAL Program Act o Senate Bill No. 1604, na iniakda ni Gatchalian, ay bahagi ng mga priority measures ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Layon naman ng naturang panukala ang pagkakaroon ng national learning intervention program, kabilang dito ang tutorial sessions at well-designed na intervention plans.
Dagdag pa ni Gatchalian, patuloy na makikipagtulungan ang Second Congressional Commission (EDCOM) sa administrasyon upang magsulong ng mga kinakailangang reporma.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.