There were 1,538 press releases posted in the last 24 hours and 400,263 in the last 365 days.

Transcript of interview Teleradyo

PHILIPPINES, July 19 - Press Release
July 19, 2024

TRANSCRIPT OF INTERVIEW TELERADYO
JULY 19,2024

Q: Bakit wala po kayong pinadalang tanong? Ano po gusto niyong question ma'am? (laughs)

SNBA: Di niyo natanggap? (laughs)

Q: Kamusta po at mukhang paguusapin muna kayo ni senator Francis Tolentino...

SNBA: Ang sa akin may finile tayong complaint sa ethics committee. Ako ay natutuwa kasi nagconvene si senator Tolentino the other day at inayos na nila yung rules pagdating sa proseso pag may complaint na inihain sa opisina. Sa akin, I am willing to go through the process kung bahagi ng proseso yung reconciliation meeting muna kami e susunod tayo sa ganoong proseso. Linawin ko lang no, yung finile na ethics complaint hindi ang goal ko is magbati kaming dalawa, ang goal ko e kailangan na may admission na may malaking pagkakamali na ginawa si senator alan na hindi karapatdapat ang mga salitang binitawan niya sa isang senate hearing.

Q: After the incident na iyon may move ba from senator cayetano na kausapin kayo...

SNBA: Wala pa. Paulit ulit niya na sinasabi na may apology pero yung apology is not directed to me, hindi siya sa akin humingi ng paumanhin at hindi pa kami nagkikita. Sa lunes siguradong magkikita kami.

Q: May picture picture pa yan...

SNBA: Well usually ganoon naman mayroon kaming class picture.

Q: Di ba alphabetical?

SNBA: Alphabetical lang sa roll call. Hindi kami magkatabi. Di ba sa seating arrangement magkakasama kami yung bloc namin magkakatabi sa session hall.

Q: Ano yung magiging papel na ngayon ng solid six o six bomb?

SNBA: Actually hindi pa kami nagkikita kaming anim as a group. I guess during the break, ano nga yung term ni senator migz, nag political hibernation. Kasi bago naman nagbreak, ang huling usapan namin is pagaaralan kung magiging bahagi kami ng minority but at the moment ang position namin is an independent bloc. Kung nakikita naming nakakatulong hindi kami hahadlang and we will support. Pero kung nakikita nating mali, popoint out natin na mali. At the moment ganoon ang position namin.

Q: So parang sa House na may third force.

SNBA: Yes parang ganoon kami na support pag tama, pag mali call out namin.

Q: Masmahirap ba ang role niyo ngayon o masmadali?

SNBA: Yun na nga e i guess mas magiging critical kami parang isa sa mga napagusapan is if may deliberation sa floor, magpaparticipate para yung maging output ng isang bill ay talagang tama. Kasi mapapansin niyo din na ngayon maraming naveveto or binabalik. baka isa na sa magiging role namin is para ma-avoid ang mga ganoong pangyayari.

Q: Open pa rin kayo na may committee chairmanship?

SNBA: Yes lahat naman kami may committee chairmanship. In fact yun din ang isa sa paguusapan kasi si senator Migz, yung tatlong officers, wala silang membership sa mga committees kasi di ba as officers, ex officio sila but since nagkaroon ng change in leadership, meron silang chairmanship pero wala silang membership sa mga committee. So isa yan sa mga kailangan ayusin.

Q: Pati yung pwesto sa SET at Commission on Appointments...

SNBA: Yes kasi di ba may allocation yan from majority ilan, from minority ilan pero since we are an independent bloc kasi noong time ni sen. Migz, sina sen pia considered sila na independent. SO ang ginawa niya may allocation sila sa memberships. May majority, minority at independent. So titignan natin kung masusunod pa din yung ganoong sistema.

Q: Parang dejavu ang nangyayari sa senado...

SNBA: Same senator, may building, may hearing at may eleksyon.

Q: Kasi yung isang dating senador humingi sayo ng tawad...

SNBA: Yung isa. Actually yung dalawa ok na.

Q: Yung dalawa ok na di ba yung isa pinagtatanggol ka pa. Pero yung isa never humingi ng paumanhin...

SNBA: Never kasi mukhang wala naman sa ugali niya. Hindi lang naman ako yung nasaktan niya in politics so wala.

Q: Anong reaction ng inyong magulang at si mayora?

SNBA: Actually minsan kasi pagdating sa bahay ayaw na namin pagusapan. Natanong lang ako ng father ko na si dating VP Binay kung ano yung nangyari at talagang full support na tama at lumaban ka.

Q: Magkakaroon ng laban ang isang Nancy Binay sa Makati?

SNBA: Sabi ko nga ilang buwan na lang tayo sa senado at ngayon naghahanda tayo sa possible na laban na haharapin namin. Kasi parang mahirap na mayroong internal na issue kami sa senate tapos as I shift sa another chapter in my life, laban din yung bahagi na iyon.

Q: May countdown ka din sa socmed account mo (laughs)

SNBA: Countdown lang yung sa 2024 so pagdating ng 2025 panibagong countdown nanaman

Q: Kayo ba ay magkakampanya sa inyong kapatid kapag siya ay kumandidato sa senado?

SNBA: Oo naman. Nakakatuwa and gusto ko din magpasalamat na alam niyo naman yung putik na binato sa amin but inspite of that nakabalik ako sa senado ang yung sister ko maganda ang numero nya sa survey. I think its a validation na anumang paninira yung ginawa sa amin, there is no truth to it kasi yung mga kababayan natin nakikita pa rin nila kami bilang leader.

Q: So ikakampanya niyo si Mayor Abby kung tatakbo siya sa senado?

SNBA: Oo naman tsaka unang una lawyer kasi ang kapatid ko di ba? Tulad ngayon nawala si Sec. Sonny. Di ako sanay na Sec. Sonny ang tawag sa kanya na lawyer din so yung committe on justice usually sa lwyer binibigay pero may shortage kami ng lawyers so welcome addition sya sa senado.

Q: Sino nga ang kapatid niyong tatakbo?

SNBA: Si mayor Abby (laughs)

Q: Si senator Nancy kung papalarin manalo sa makati mukhang di matatapos ang bangayan niyo ng mga cayetano. So ready ka din doon senator nancy?

SNBA: Oo naman kumbaga tanggap ko na na bahagi na sya ng buhay namin. Di ba sa pelikula may bida at kontrabida so tanggap ko na na may ganoong eksena sa buhay ng isang Binay.

Q: Yung senator Nancy nakangiti lang pag binabash. Yung Mayor Abby nakataas ang kilay pag binabash so magready sila.

SNBA: Kasi hindi Be Nice ang mantra ng kapatid ko (laughs)

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.