There were 897 press releases posted in the last 24 hours and 398,197 in the last 365 days.

Transcript of Senator Nancy Binay's Interview on BALITANGHALI NEWSCAST with Raffy...

PHILIPPINES, July 7 - Press Release
July 4, 2024

Transcript of Senator Nancy Binay's Interview on BALITANGHALI NEWSCAST with Raffy Tima and Connie Sison
July 04, 2024

Sen. Nancy Binay-Angeles: Magandang umaga, Raffy, at syempre sa lahat ng sumusubaybay ng programa nyo. Good morning.

Question: Sen. Nakapag-usap na po ba kayo ni Sen. Cayetano pagkatapos ng nangyari kahapon?

SNBA: I don't think gusto niya akong kausapin kasi di ba nga paulit-ulit kong sinasabi na naghihintay lang tayo ng proper transition na mag-usap kami. In fact si Sen. Ping Lacson nagsend na siya ng message kay Sen. Alan na mag-usap kaming tatlo bilang former chairperson ng committee of accounts at siya naman ang bago para mapag-usapan ang building kasi may mga bahagi sa building na hindi during my term and I think the best person to explain sa kanya is Sen. Lacson. Kaya nga nilapitan natin si Sen. Lacson kung pwede mag-usap kami 3 at nagsend out siya ng message kay Sen. Alan at he declined the invitation.

Q: Yun na nga po tila may figures at information na nagkakatalo kayo sa detalye. Hindi po ba napag-usapan ito privately bago napunta sa public hearing?

SNBA: Yun na nga eh, the mere fact that he declined the invite of Sen. Lacson na mag-usap kaming tatlo, eh di sana napaliwanagan siya kung san ba nanggaling ang mga ganoong numero.

Q: At mapunta tayo sa meat ng kanyang argumento bakit daw po umabot sa 800 days ang delay sa construction ng New Senate building?

SNBA: Actually dun din tayo nagtataka kasi di ba sinabihan niya ang DPWH nung hearing na huwag niyong sabihin sa akin ang dahilan kung bakit nagka-delay, in fact paulit-ulit ire-raise ng DPWH ang reason for the delay, lagi niyang binabara at pinapahinto niya ang taga-DPWH to explain. Kasi iba-ibang factors, eh. No. 1, inabutan to ng Covid, inabutan to ng giyera sa Ukraine. Even nga yung policy na ginawa ng NLEX na pinagbawalan niya yung weight ng buhangin ay nagkaroon ng effect na din sa building. So may mga bagay-bagay na mas maigi sana kung pinagpaliwanag niya muna kami or na-explain ko --namin ni Sen. Ping ang history ng building na ito.

Q: Nasabi niyo na pagpasok niyo palang medyo magulo na ang pagdinig. Saang bahagi ng hearing sa tingin niyo nagkaroon ng problema?

SNBA: Ang sa akin talaga yung pina-apologize niya si Usec. Sadain na parang pinalabas sila na sinungaling sila dahil nga daw sinabi nila na walang 23 billion. Eh di ba when I raised that point kasi talagang based on their documents, that amount does not exist.

Q: At naipaliwanag na po ba kung saan galing yung figure na yan?

SNBA: Eh isa din nga yun sa sana napagusapan namin. Kasi ako, ako hindi ko alam kung saan nanggaling yung numero na P23B, dahil remember di ba ang sinabi nila lumobo yung construction ng Senate building. So bakit nasama yung cost ng lote, tapos may mga ibang component pa dun na nasama din sa kwenta nila, eh ang pinaguusapan nila na lumobo is the cost of construction, and the cost of acquiring the land is not part of the cost of construction.

Q: So masalimuot po talaga in the first place ang construction ng building na ito at ang sinasabi nyo, explainable lahat nito mga hinihinging paliwanag?

SNBA: Explainable lahat, and Raffy, yung magpatayo nga lang ng isang bahay, hindi na ganun kadali, what more pa yung apat na buildings, technically 4 buildings itong ipinapatayo and then meron din siyang architectural design na medyo complicated din.

Q: Opo. Okay. Sige po, maraming salamat po sa oras na ibinahagi niyo po sa Balitanghali.

SNBA: Maraming salamat. Si Senator Nancy Binay.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.