There were 1,624 press releases posted in the last 24 hours and 402,556 in the last 365 days.

DZBB Bantay Balita sa Kongreso interview kay Sen. Win Gatchalian kasama sina Nimfa Ravelo at Isa Umali hinggil sa NGCP franchise at Maharlika Fund Bill

PHILIPPINES, May 28 - Press Release
May 28, 2023

DZBB BANTAY BALITA SA KONGRESO INTERVIEW KAY SEN. WIN GATCHALIAN KASAMA SINA NIMFA RAVELO AT ISA UMALI HINGGIL SA NGCP FRANCHISE AT MAHARLIKA FUND BILL

NGCP

Q: Tungkol po doon sa NGCP, ano ang inyong nakita, ano ang maaaring paglabag ng NGCP sa prangkisa o pag-aabuso at nag wa-warrant na ba ito talaga para i-revoke ang kanilang franchise?

SEN. WIN: Well, Nimfa lumalabas na talagang delayed projects. Merong mga close to about 70 plus projects na delayed. Anim doon ang malalaking projects. Ito yung projects about national significance at inamin naman ng NGCP, humingi sila ng paumanhin and of course maraming dahilan. Hindi naman mawawala ang dahilan, Nimfa. Kung merong 101 reasons, talagang merong 101 reasons. Pero ang bottomline, delayed ang mga projects. Ang masama dito kinokolekta na sa ating ang projects. Ibig sabihin kahit hindi pa tapos at kahit delayed na, kinokolekta na sa atin. So ginigisa tayo sa sariling mantika.

Q: Sir, para lang masundan ng listeners natin, yung kinokolekta nila supposedly po para sa pagpatayo ng planta? Ano ho ang puhunan nila?

SEN. WIN: Halos wala nga dahil nga ang nangyari dito, pag-apruba ng kanilang application, pinayagan na silang mangolekta, so nangongolekta sila. Pero ang kapalit nitong pagkolekta, dapat matapos on time ang project. Pero hindi natapos ontime. Meron akong nakita doon, apat na taon na hindi pa tapos ang project, so ang ibig sabihin nito kung lalong humahaba ang delay, lalong lumalaki ang kanilang kolekta sa atin at lalong walang natatapos dahil nga kolekta lang sila ng kolekta. So may problema talaga yung tinatawag nating regulation dahil pinahintulutan ng ERC na mangolekta. At pangalawa, kahit na pinahintulutan sila, hindi rin nila natapos on time. So kumbaga mas labis na ang kolekta sa atin, kung ikukumpara natin yan doon sa timetable na dapat matapos nila ang projects.

Q: Sir, hindi ho ba abuso yun kasi una, pinoint out ninyo walang penalty doon sa bawat delay at kahit kinokolektahan for those years of delay, pwede nilang patagalin ang proyekto for 40 years kung hindi po mapo-point out, kinokolektahan tayo ng kinolektahan nang hindi natatapos ang project.

SEN. WIN: Tama, kung hindi tayo aangal baka dalawang 40 years na kolekta pa rin ng kolekta hindi pa natatapos itong project. So ang nakikita ko ditong masamang ginagawa ng NGCP, dinedelay nila para wala silang ilabas na kapital dahil kung titignan natin ang timetable, kung mas maigsing timetable, mailalabas nila ang kapital. Ang ginagawa nila, ang aking pananaw dito at ang aking pag-aanalisa, dinedelay nila ito parang ginagamit nila ang pera ng taumbayan sa paggawa ng project. Ngayon, hindi sila natatakot madelay dahil mula't sapul wala palang penalty na ipinataw sa NGCP, mula nang nag-umpisa ang NGCP noong 2009, sabi ng ERC wala pang ipinataw na multa kahit na madelay ang project kahit na nagkaka-brownout sa delay ng project, wala silang multang nakukuha, kaya parang wala silang pakiala in short, tuloy tuloy lang. Ngayon, narinig ko may problema sa right of way. Sa prangkisa ng NGCP, nakapaloob doon yung power of imminent domain, ibig sabihin pwede silang mag-expropriate ng lupa, kahit na hindi kayo mag a-agree kung magkano ang lupa, pwede niyang kunin, bahay mo, lupa mo para maitayo ang transmission line.

Q: So ano po ang remedy dito? Pwede ba silang utusan ng ERC na doon sa mga delay na proyekto pwedeng itigil ang pagbabayad until makwenta kung sapat na ang nakolekta?

SEN. WIN: Tama ka, ang unang panawagan ko nga sa ERC ay unang-una, yung mga delayed projects, itigil na ang koleksyon. Dahil wala nang punto para mangolekta sila, kumbaga nangako ka na tatapusin mo ang projects, pinayagan ka namin mangolekta, eh ngayon hindi mo tatapusin ang project sa time table na ipinangako mo bakit pa namin kayo papayagan mangolekta.

Q: Sapat sagot na nila ang gastos dun?

SEN. WIN: Sagot na nila. Tayong dalawa consumer, Nimfa kaya meron tayong rights, may karapatan tayong umangal dahil kinokolekta yan sa ating electricity bill. Pangalawa ang regulasyon ng ERC dapat mareview yan, wag nang payagang mangolekta kapag hindi pa tapos ang project. O wag payagang mangolekta kapag nag-uumpisa pa lang ang project. Hindi tama yan eh. Kaya nga tayo kumuha ng pribadong sektor para sila muna ang mag-invest at kunin sa ating mga consumer ang kanilang ininvest. Ganyan naman talaga sa buong mundo. At pangatlo ang mga delay nila patawan na ng multa dahil walang disiplina eh, kaya sila walang pakialam dahil walang disiplinang nangyari dahil alam nila makakalusot sila sa mga delay na ginagawa nila.

Q: At ang isa rin sa inyong kinuwestyon mukhang ipinapasa rin sa consumer ang kanilang corporate tax?

SEN. WIN: Walang regulasyon ang ERC na pinapayagang ipasa ang corporate, franchise tax dahil sa kanila in lieu of everything, 3% franchise tax na ipasa sa atin. Sabi ko nga yung mga sari-sari store nga, maliliit na barber shop, maliliit na salon, nagbabayad ng 25% income tax, sila, tayo ang nagbabayad. So yun ang isa pang titignan namin bakit hindi sila nagbabayad ng corporate income tax sa atin dahil yan ay kumbaga dapat sagutin na nila yan.

Q: Hindi po ba klaro yun sa prangkisa nila na hindi nila pwedeng ipasa sa consumer ang corporate income tax at franchise tax?

SEN. WIN: Marami na kasing jurisprudence dyan, kung matatandaan mo yan ang kinaiinisan ni Pres. Duterte sa Manila Water at sa Maynilad, matatandaan mo before pinapasa sa atin, yung corporate income tax, dyan siya nagalit. At ngayon may jurisprudence na dapat sagot talaga nila. Hindi part yan ng operations, ang pwede lang nila ipasa sa atin ang tinatawag na operating expense, pero yan hindi yan operating expense nila. In fact, kumbaga sariling corporate responsibility nila bilang negosyante na magbayad ng income tax.

Q: Ang masakit na mapakinggan sa hearing, sabi nyo lumalabas pinapasa sa atin ang corporate income tax, delayed ang project, ginigisa tayo sa sariling mantika and yet P19-20B ang dividends ng kanilang shareholders makatwiran po ba yun?

SEN. WIN: Oo napakalaki ng dividends nya, almost P208 billion, ang kasamaan pa rito ang pambayad ng pinambili nila nanggaling pa sa NGCP. Yung P77 billion concession fee. Ibig sabihin binili nila ang kumpanya, pero ginamit nila ang pera ng kumpanya para ibayad sa pinambili nila. Talagang halos wala na silang inilabas dahil galing doon sa negosyong binili mo ang ipinambayad mo. So lumalabas na halos P286 billion ang nakuha nila sa kumpanya na ang kanilang purchase price, ang kanilang presyong ibinili o yung presyong dapat ibinayad is P77 billion so sobra-sobra, P100 billion na ang kanilang kita in the last 5-6 years.

Q: Sir, yung P280 billion accumulated for the past ilang taon?

SEN. WIN: 10 years. Pero nakita ko kasi doon sa cashflow nila yung pambayad ng concession fee dyan din kinuha. Typically kung may bibilhin kang negosyo, ikaw ang maglalabas ng pera. Pero ang nangyari dito, binili mo yung negosyo ang pera ng negosyo ang ginamit mong pambayad.

Q: Ang tindi ng kanilang kita dito. Ang sabi po ng NGCP sa mga negosyo daw kailangan naman talagang kumita, bakit parang dinedemonize ang kanilang pagkita.

SEN. WIN: Actually oo nga, talagang karapatan ng negosyong kumita pero may responsibilidad ka namang tapusi ang mga project mo. Kaya naman lumabas ito lahat dahil yung project hindi mo tinapos. Kumbaga labis-labis na ang kita, dinelay mo pa ang project, tapos siningil mo pa kami sa project. So kung talagang maganda ang performance nila, hindi nadedelay ang project, hindi nagkakaroon ng brownout, siguro hindi magiging issue itong kita nila pero ang issue dito kasi dinelay mo na ang projects at saka hindi lang isang project ah, 70 plus projects ito na malalaki. For example yung Visayas Mindanao interconnection, napakalaking project yan kapag natapos nung 2019 wala tayong brownout sa Luzon dahil maibabato dito sa Luzon ang sobrang kuryente sa Mindanao pero nadelay kaya dyan tayo nagkakaroon ng ganitong galit dahil nga delayed ang mga projects at sinisingil na sa atin.

Q: Ramdam ko ang inis ni Senator Gatchalian, Sir ang nadinig ko po sa hearing 72 ang delayed at anim ang of national significance?

SEN. WIN: Correct, ibig sabihin of national significance, malalaking proyekto ito at talaga ito tinatawag nating mega projects kaya nga national significance, may impact ito sa buong bansa.

Q: Concern natin ito dahil tungkol ito sa pagtiyak ng kuryente natin at dapat ho reasonable. Pag sapat ang suplay di dapat mag fluctuate ang presyo. Sapat ang suplay at ang presyo stable.

SEN. WIN: Tama ka doon Nimfa, saka naghahanap nga tayo ng paraan mapababa ang presyo ng kuryente, kahit na isang sentimos lang ay malaking bagay na sa atin dahil minomonitor yan per kilowatt hour of consumption pero nakikita natin ang mga projects na hindi pa tapos ipinapataw, ibig sabihin lumalaki ang presyo ng kuryente. Pinapacompute ko nga sa ERC magkano ang ipinataw sa atin na hindi pa tapos ang mga projects dahil dapat ibalik nila yan sa atin. At dapat i-penalize din yan. Di lang ibalik dapat i-penalize din.

Q: May finorward po akong electricity bill, 4.85% ang transmission charges. Sa hearing ang sabi po ng NGCP, 3% lang ng ating binabayaran sa kuryente, ang transmission charges, tama ba?

SEN.WIN: Actually noong mga unang panahon, on the average mga 3% yan. Pero may mga lugar na lumalaki at in fact itong electric bill mo nasa 4.8% above average yan, malaki ang itinaas. So ang ibig sabihin may mga pinapataw pa dyan na hindi natin alam at dapat reviewhin talaga isa-isa at meron ding pagkukulang ang gobyerno dahil na-review ito nung mga unang panahon. Kung matatandaan mo sinabi nga ni Chair Mona na na-delay ang reset. Ang reset kasi sa sistema natin maga-apply ang NGCP, bibigyan ng MAR yung Maximum Allowable Revenue tapos pagdating ng 3 years, ire-review, ito ang reset. Kung lahat ng mga ipinangako ko ay nagawa. Ang problema yung reset hindi nagawa, ibig sabihin yung mga pangako hindi rin nakita kung talagang nagawa. Kaya may pagkukulang din ang gobyerno pagdating sa pagre-review. Pero kaya nga naglagay kami almost P50 million karagdagang sa budget ng ERC para mapaspasan at sinuggest ko kay chair Mona na gumawa ng special unit na walang ginawa kundi tutukan yung transmission grid natin o yung NGCP dahil napakalaki nito, buong Pilipinas ito at makikita natin kailangan talagang tutukan dahil maraming mga bagay na hindi namomonitor.

Q: Sir, premises considered ika nga, hinog na po ba para repasuhin ang prangkisa o kanselahin ang prangkisa ng NGCP?

SEN. WIN: Ang tanong kasi yung mga pangako ba ng NGCP natutupad ba nila? Yung ibinabayad natin sa kanila ay natutupad ba nila? Ang sagot dyan hindi. Dahil unang- una inamin naman nila at lumabas din sa official records ng DOE at ERC na delayed 70 plus projects ang delayed, 6 of national significance. So para sa akin, mabigat na mga violations ito at ang franchise pribilehiyo yan hindi naman yan karapatan mo para kumuha ng franchise. Binibigay yan ng ating mga consumers para gumanda ang serbisyo pero kung hindi naman maganda ang nakukuha nating serbisyo at hindi naman nila nagagawa ang trabaho nila, maghanap na lang tayo ng iba na pwedeng mag-operate nang mas episyente.

Q: So ang sagot po ninyo ay oo.

SEN. WIN: In short, oo at sabi ko nga nung una pa man tutol ako sa pagpa-privatize ng transmission line dahil hindi lang ito sensitibo may national security involved so dapat laging ilagay sa isip natin yan dahil nationwide yan, sa ibang bansa hindi talaga pina-privatize yan dahil very sensitive ang infrastructure na yan at dapat nasa kamay ng gobyerno yan.

Q: Sir paano po ang ERC, di ba dapat mag-shape up din sila although bago po ang pamunuan ng ERC, nagkulang sa pagdisiplina sa NGCP?

SEN. WIN: Oo talagang nagkulang. Alam nyo ang regulator, ang ERC dapat nagdidisiplina yan. Ang trabaho nila kapag may di sumusunod dinidisiplina nya ang mga industry players. Ako kampante naman ako kay Chair Mona dahil sa unang pag-upo pa lang nila marami na siyang ipinataw na multa sa iba't ibang industry players kaya makikita natin na talagang inaayos niya tawag nga doon house cleaning para malagay sa ayos ang pamamahala nila.

Q: Sir, nag-usap na ba kayo ni Senator Raffy Tulfo tungkol sa inyong rekomendasyon?

SEN. WIN: Hindi pa kami nag-uusap nang formal. Ang usap namin more on the sidelines pero yung formal hindi pa. Pero in a way makikita naman ang takbo ng aming investigation, halos pareho ang kanilang direksyon. Napakaganda nga nung briningout ni Sen. Tulfo yung sa dividends at sa income. Paano nga bakit mas malaki ang dividends kesa sa kita. Ang ibig sabihin nyan mas malaki ang inilalabas mong pera kesa sa ipinapasok mo. Ipinakita ko nga sa cash flow puro negative ang financing activities so ibig sabihin yung perang inilalabas nya mas malaki at ang perang inilalabas nya pumupunta sa sarili nya. Tugma nga ang aming numbers ni Sen. Tulfo at ang aming research tugma. Kaya nga kapag iisipin mo parang aligned kaya nade-delay ang project, binabayaran mo ang sarili mo, hindi mo inilalagay sa proyekto.

Q: Ito yung napoint out sa hearing na kung P20 billion ang kita, P19 billion sa dividends, P1 billion sa projects.

SEN. WIN: Saka pag iisipan mo tugma yung delayed ang project dahil inilalagay ay konti lang at delayed ang project dahil pumupunta sa sarili nila ang kita.

MAHARLIKA INVESTMENT FUND BILL

Q: Sa Maharlika Investment Fund Bill, meron ba kayong concern dito na ang Bangko Sentral ng Pilipinas dapat alisin as fund source?

SEN. WIN: Ang concern ko lang lumabas sa aming debate, nagkaroon kasi ng batas, ito yung New Central Bank Act kung saan ang capitalization ng Bangko Sentral ay tataasan from P50 billion to P200 billion at ang argumento ng mga opisyales ng BSP at that time, this is 2016 to 2019, ang ekonomiya lumaki na, ang banking sector lumaki na. Iwan na iwan na ang BSP kaya dapat taasan natin ang capitalization dahil kung merong mangyari, assuming may mangyari sa banking industry may pera ang BSP pero nung dumating ang Maharlika nagbago ang ihip. Tinignan namin ang datos, mas lumaki pa ang banking industry. Kaya doon sa debate lumalabas kapag ang capitalization dinelay aabot ng 14 years bago umabot ng P200 billion ang capitalization, napakahaba nun, dalawang termino ng presidente yun. Kaya kung may mangyari, halimbawa lang may masamang mangyari sa banking industry walang pera ang BSP paano siya makakaresponde? Kaya ang aking concern na inilabas at nagbigay ako ng mga posibilidad at kausap ko nga ang DOF na pagisipan nating mabuti ito kahit na sumasang-ayon ang kasalukuyang BSP governor, baka kasi sumasangayon lang siya dahil nakikisama lang sya sa admin at saka sa direksyon ng DOF pero kung papakinggan natin ang argumento ng debate ay talagang may sense of urgency sa pagdaragdag ng capitalization.

Q: So kapag hindi po natanggal yun, boboto kayo against the bill?

SEN. WIN: Ako pinag aaralan ko pang mabuti, in fairness naman sa limang ibinigay kong suggestion apat natanggap. Very critical din yun. For example, yung procurement act, nung una exempted ang Maharlika sa procurement act ibig sabihin kahit anong bilhin nila walang bidding. Nakakatakot yun kasi baka bumili sila ng mamahaling sasakyan sa sarili nila hindi natin malalaman yun. Pangalawa yung GCG, dati exempted sila eh mahalaga rin angGCG lalo na sa capability, background ng mga directors yung tinatawag nilang fit and proper rule baka ilagay nila doon kung sinu sino lang, tinanggal na rin yun at yung privatization pinasok na rin. For example ipa-privatize yung kita, ilalagay na rin so may mga tinanggap at nakita ko itong senate version maraming safeguards, napakarami compared sa una. Kapag binasa mo nga ang layo na compared sa unang finile. So may magaganda rin naman pero tinitimbang kong mabuti dahil itong BSP hindi lang naman para sa Maharlika para sa buong banking sector ito kaya tinitignan natin nang mabuti.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.