Gatchalian moves to make payment for estate, donor's tax easier for heirs
February 17, 2023
Gatchalian moves to make payment for estate, donor's tax easier for heirs
Senator Win Gatchalian wants to make it easier for heirs to file and pay for their estate taxes. This is one of the provisions of Senate Bill 1346, or the Ease of Paying Tax Act, which introduces administrative tax reforms by amending certain provisions of the National Internal Revenue Code of 1997.
Under the existing law, heirs need to file estate tax returns and pay for the corresponding estate tax in the same revenue district where the decedent was domiciled at the time of his death. In cases where the decedent had no legal residence in the Philippines, the heirs have to file the estate tax return with the office of the Commissioner of the Bureau of Internal Revenue (BIR).
"The proposal will provide taxpayers or the heirs involved the flexibility to select where they want to file and pay the taxes," Gatchalian said, pointing out that in many cases, the heirs processing estate tax return are domiciled in a revenue district office that is different and far away from the decedent.
He noted that under the current set-up, the heirs have to go through the trouble of traveling to the place where the decedent was domiciled, causing work disruption, among other inconveniences. To add to that, they also incur additional costs to comply with our tax laws.
"The general goal of the proposed measure is to put in place a tax administration system that will encourage taxpayers to pay their taxes truthfully and in a timely manner," said Gatchalian.
"Kailangan nating gawing simple at madali ang pagbabayad ng buwis para sa ating mga taxpayers. Inaasahan natin na mas magiging maayos ang pangongolekta para makalikom ng sapat na buwis ang pamahalaan para mapondohan ang iba't-ibang programa ng gobyerno," said Gatchalian, who chairs Senate Committee on Ways and Means.
Championing the cause of taxpayers, Gatchalian recently delivered a co-sponsorship speech on Taxpayer's Bill of Rights and Obligations Act which aims to empower taxpayers by educating them on their basic rights and obligations. Senate Bill No. 1199 also seeks the creation of the Office of the Taxpayer Advocate that would take the cudgels for taxpayers by ensuring that their rights are safeguarded.
Gatchalian: Gawing mas madali ang pagbabayad ng estate, donor's taxes
Nais ni Senador Win Gatchalian na gawing mas madali para sa mga tagapagmana na maghain at magbayad ng kanilang mga estate taxes. Ito ay isa sa mga probisyon ng Senate Bill 1346, o ang Ease of Paying Tax Act, na nagpapakilala ng mga administratibong reporma sa buwis sa pamamagitan ng pag-amyenda sa ilang probisyon ng National Internal Revenue Code of 1997.
Sa ilalim ng umiiral na batas, ang mga tagapagmana ay kailangang maghain ng estate tax returns at magbayad para sa kaukulang buwis sa ari-arian sa parehong revenue district kung saang ang namatay na kaanak ay naninirahan sa oras ng kanyang kamatayan.
Sa mga kaso kung saan ang namatay ay walang ligal na paninirahan sa Pilipinas, ang mga tagapagmana ay kailangang maghain ng estate tax return sa opisina ng Commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
"Ang panukala ay magbibigay sa mga taxpayers o sa mga tagapagmana ng kakayahang pumili kung saan nila gustong mag-file at magbayad ng mga buwis," sabi ni Gatchalian.
Ayon sa kanya, maraming mga kaso na kung saan ang mga tagapagmana na nagpoproseso ng estate tax return ng namatay na kaanak ay naninirahan sa lugar na malayo sa revenue district office ng namatay.
Nabanggit niya na sa ilalim ng kasalukuyang set-up, ang mga tagapagmana ay kailangan pang maglakbay sa lugar kung saan ang namatay na kaanak ay naninirahan. Nagdudulot din ito aniya ng pagkagambala sa trabaho, bukod sa iba pang mga abala. Higit pa riyan ang karagdagang gastos.
"Ang pangkalahatang layunin ng mungkahi ay maglagay ng isang sistema ng pangangasiwa ng buwis na hihikayat sa mga taxpayers na magbayad ng tamang buwis sa natatakdang panahon," ayon kay Gatchalian.
"Kailangan nating gawing simple at madali ang pagbabayad ng buwis para sa ating mga taxpayers. Inaasahan natin na magiging maayos ang pangongolekta para makalikom ng sapat na buwis ang pamahalaan para mapondohan ang iba't ibang programa ng gobyerno," ayon sa senador, na syang namumuno ng Senate Committee on Ways and Means.
Si Gatchalian ay nagbigay ng isang co-sponsorship speech ukol sa Taxpayer's Bill of Rights and Obligations Act na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang mga taxpayers sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila sa kanilang mga pangunahing karapatan at obligasyon. Ang Senate Bill No. 1199 ay naghahangad din na lumikha ng Office of the Taxpayer Advocate na tatanggap ng mga reklamo ng mga taxpayers at magtitiyak na ang kanilang mga karapatan ay pinangangalagaan.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.