Imee: Mandatory SIM registration no excuse for telco complacency
October 6, 2022
IMEE: MANDATORY SIM REGISTRATION NO EXCUSE FOR TELCO COMPLACENCY
Senator Imee Marcos warned telecommunications companies against letting their guard down in protecting their customers' personal data, after both houses of Congress signed the final version of the Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act.
Marcos said text scammers offering instant cash or non-existent jobs will continue to dodge the data security capabilities of telcos while the SIM Act awaits the President's signature.
Telco customers will also remain vulnerable during the 180-day transition period when existing pre-paid and post-paid subscribers are required to register their SIMs should the law take effect, the senator added.
"Those who have bought new SIM cards are reporting scam messages even before they have made their first online transaction. So where is the data security breach taking place?" Marcos asked.
Marcos acknowledged that telcos have spent billions on beefing up the security of their subscriber databases but added that laxity and the temptation of gaining huge profits can undo the work of lawmakers.
"We can't deny that scam texts also translate to millions in income for telcos. Mandatory SIM registration, should it become law, will not be an instant solution and will need the utmost cooperation of telcos," Marcos said.
Besides improving digital security, the senator suggested that telcos also improve packaging security that prevents vendors from sharing pre-paid SIM card numbers with scammers.
Marcos pointed out that pre-paid SIM cards make up the majority of telco subscriptions because these are cheaper and easily available.
IMEE: MANDATORY REGISTRATION 'WAG GAWING PALUSOT SA KAPABAYAAN NG MGA TELCO!
Nagbabala si Senador Imee Marcos sa mga telecommunications company o telco laban sa pagpapabaya at hindi pagpoprotekta sa personal data ng kanilang mga customer, matapos lagdaan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pinal na bersyon ng Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act.
Sinabi ni Marcos na ang mga text scammer na nag-aalok ng instant cash o non-existent na mga trabaho ay patuloy na umiiwas sa data security capabilities ng telcos habang naghihintay ang SIM Act ng lagda ng Pangulo.
Ang mga customer ng telco ay mananatiling bantad din sa mga scammer sa loob ng 180-day transition period habang inirerehistro ng mga pre-paid at post-paid subscribers ang kanilang mga SIM pagkatapos magkabisa ang batas, dagdag ng senador.
"Ang mga bumibili ng bagong SIM card ay nagre-report na meron silang natatanggap na mga mensahe ng scam bago pa man sila gumawa ng kanilang unang online na transaksyon. Kaya't saan nagaganap ang paglabag sa seguridad ng data?" tanong ni Marcos.
Kinilala ni Marcos na bilyun-bilyon ang ginagastos ng telcos para maprotektahan ang privacy ng kanilang mga subscribers, kabilang ang kanilang mga cellphone number, pero ang pagiging maluwag at ang tukso na makakuha ng malaking kita ay maaaring magbalewala sa hakbang na ginawa ng mga mambabatas.
"Hindi natin maitatanggi na ang mga scam text ay nagdudulot din ng milyon-milyong kita para sa mga telcos. Ang mandatory SIM registration, kung ito ay magiging batas, ay hindi madaliang solusyon at kakailanganin nito ang sukdulang kooperasyon ng telcos," ani Marcos.
Bukod sa pagpapabuti ng digital security, iminungkahi ng senador na pagbutihin din ng telcos ang packaging security na pipigil sa mga vendor o mga tindero na ibuyangyang ang mga pre-paid SIM card number sa mga scammer.
Ipinunto ni Marcos na ang mga pre-paid SIM card subscribers ang bumubuo sa karamihan ng mga tumatangkilik sa mga telco dahil mas mura at madaling mabili o makuha.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.