Gatchalian pushes for remote working arrangements to ease traffic congestion
September 17, 2022
Gatchalian pushes for remote working arrangements to ease traffic congestion
In a bid to ease worsening traffic congestion in Metro Manila, Senator Win Gatchalian is pushing for increased adoption of remote working arrangements anew.
The program, if adopted by a significant number of employers, could form part of solutions to address the perennial problem of traffic bottlenecks in metropolitan areas.
Recent research by insurance technology site GoShorty showed Filipinos spend about 98 hours or more than 4 days trapped in Metro Manila's traffic jams every year.
To encourage companies to implement work-from-home arrangements or telecommuting, the government should provide tax incentives for those that will adopt the program, according to Gatchalian.
"We want to incentivize those who opt-in to this program because of the great benefits it will have on our people," Gatchalian said.
Under Senate Bill 1149, employees shall be entitled to a deduction of P25 from their taxable income for every hour of service rendered under a work-from-home (WFH) or telecommuting arrangement. Also, allowances or other benefits not exceeding P2,000 per month provided by employers to their employees to cover expenses necessary for WFH or telecommuting arrangements shall be considered a non-taxable benefit.
"The work-from-home revolution, which has been accelerated by the pandemic, has numerous advantages that benefit not just the workers concerned. A major benefit of this program is that it will ease traffic congestion especially as in-person classes resume and many businesses are now in full operation," Gatchalian said.
Aside from reducing traffic congestion, remote working arrangements would also cut fuel demand as well as enhance employee productivity as evidenced by various studies, he pointed out.
"Ang remote working arrangement ay nagpapalawak ng work-life balance ng ating mga empleyado. Bukod sa nagpapataas ito ng productivity at mas nagiging competitive ang mga kompanyang nagpapatupad nito, nakakatulong pa itong mapabuti ang kalusugan ng ating mga kababayan, " he ended.
Work-from-home setup muling itinulak ni Gatchalian para iwas traffic
Upang maibsan ang lumalalang pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila, muling isinulong ni Senador Win Gatchalian ang work-from-home (WFH) setup.
Matatandaang naglabas ng pananaliksik ang insurance technology site na GoShorty na nagsasabing ang mga Pilipino ay inaabot ng humigit-kumulang 98 oras o higit sa 4 na araw na naiipit sa traffic sa Metro Manila kada taon.
Ang panukalang work-from-home, kung ipapatupad ng ilang mga kumpanya, ay magiging bahagi ng solusyon sa walang katapusang traffic congestion.
Sinabi ni Gatchalian na para hikayatin ang mga kumpanya na magpatupad ng work-from-home arrangement o telecommuting, dapat magbigay ang gobyerno ng tax incentives para sa mga magpapatupad ng naturang programa.
"Nais naming bigyan ng insentibo ang mga magpapatupad ng programang ito dahil sa malaking benepisyong dulot nito sa ating mga kababayan," ayon kay Gatchalian.
Sa ilalim ng inihain ng senador na Senate Bill 1149, ang mga empleyadong naka-work-from-home ay mababawasan ng P25 kada oras ng trabaho sa kanilang taxable income. Bukod dito, ang mga allowance o benefits na binibigay ng mga employer sa kanilang mga empleyado na hindi lalagpas sa P2,000 kada buwan bilang panggastos sa mga kinakailangan para sa isang WFH setup ay ituturing na non-taxable benefit.
"Ang work-from-home revolution na pinabilis ng pandemya ay maraming pakinabang hindi lamang sa mga manggagawa. Maiibsan din nito ang pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan lalo na't balik na ang in-person classes at maraming negosyo na ngayon ang tumatakbo," ayon sa senador.
Ipinunto din ni Gatchalian na makakatulong din ang remote working arrangements na mabawasan ang arawang gastos sa gasolina at gawing mas produktibo ang mga empleyado na pinatunayan na ng iba't ibang pag-aaral.
"Ang remote working arrangement ay nagpapalawak ng work-life balance ng ating mga empleyado. Bukod sa nagpapataas ito ng productivity at mas nagiging competitive ang mga kompanyang nagpapatupad nito, nakakatulong pa itong mapabuti ang kalusugan ng ating mga kababayan," sambit pa ng senador.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.