Robin, Bukas sa Talakayan sa Panukalang Batas Para sa Karapatan ng Same Sex Couples
August 14, 2022
Robin, Bukas sa Talakayan sa Panukalang Batas Para sa Karapatan ng Same Sex Couples
Bukas si Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla sa malayang talakayan tungkol sa panukalang batas niya na isinusulong ang karapatan ng mga same-sex couples.
Ani Padilla, dadaan sa proseso ang Senate Bill 449 - kasama na ang mga pagdinig sa Senado sa kumite at plenaryo - at dito maaaring magbigay ng panig ang mga sumusuporta o tumututol dito.
"Bilang senador ng buong bansa na kanilang pinagkatiwalaan na iboto rin at lapitan, kailangan ko ito aksyunan nang walang drama. Malinaw po sa aking mandato na wala akong pipiliin na panigan o pakinggan," ani Padilla sa kanyang Facebook account.
"Ang lahat ay pantay-pantay. Ang lahat ay may puwang sa ating Saligang Batas. Ang panukala po na ito ay dadaan sa napakahabang proseso ng pagdinig kaya't ano man po ang inyong hinaing, mainam po na ihanda ang sarili at inyong organisasyon at makiisa po sa debate sa pagdinig nito," dagdag ng mambabatas.
Iginiit din ni Padilla na ang pagpapalitan ng talumpati at pahayag tungkol sa panukalang batas ay bahagi ng ating demokrasya.
Dahil dito, inimbitahan niya ang publiko na basahin ang laman ng panukalang batas niya sa halip na maghusga agad.
"Ang lahat po ay iniimbitahan na basahin ng detalyado ang Panukalang batas upang mas makalahok sa talakayan patungkol dito. Huwag na muna po tayo maghusga. Masyado pa po maaga para magkaroon ng judge," aniya.
Ipinagtanggol din ni Padilla ang karapatan ng LGBTQIA community, na ayon sa kanya ay binubuo ng mga "reasonable at mga respetadong tao" na "nais lamang po ... mapakinggan ang kanilang mga hinaing sa apat na sulok ng silid ng demokrasya."
"Wala po silang intensyon na sagasaan ang anumang religion kayat ang kanilang mungkahi po ay civil hindi Simbahan - an exercise of their democratic Right to Freedom of Religion. Right to Freedom. Right to Equality. Right against Exploitation," ani Padilla.
Idiniin din ni Padilla na hindi niya sasalungatin ang mga paalala ng grupong Muslim na may kinalaman sa kanyang panukalang batas.
"Sila po ang nakakaalam ng Tama at Mali sa ating pananampalataya. Kailanman man po hindi ko sasalungatin ang kanilang mga pahayag ng pagtutuwid. Bagkus nagpapasalamat po ako sa kanilang mga paalala, pahayag at dua Alhamdulillah jazakum allah khayran," aniya.
Robin Open to Discussions, Debates on Bill Upholding Rights of Same Sex Couples
Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla is open to free discussions and debates on his bill seeking to uphold the rights of same-sex couples under our Constitution.
Padilla stressed Senate Bill 449 will go through the proper processes, including hearings at the committee and plenary levels of the Senate, where groups for and against the bill can air their thoughts.
"Bilang senador ng buong bansa na kanilang pinagkatiwalaan na iboto rin at lapitan, kailangan ko ito aksyunan nang walang drama. Malinaw po sa aking mandato na wala akong pipiliin na panigan o pakinggan (As senator of the whole nation, I need to act on this, without drama. My mandate is clear - I cannot favor anyone)," Padilla said on his Facebook account Sunday.
"Ang lahat ay pantay-pantay. Ang lahat ay may puwang sa ating Saligang Batas. Ang panukala po na ito ay dadaan sa napakahabang proseso ng pagdinig kaya't ano man po ang inyong hinaing, mainam po na ihanda ang sarili at inyong organisasyon at makiisa po sa debate sa pagdinig nito (All will be equal. All have rights under our Constitution. My bill will go through the long process of hearings, so if you have concerns about it, it will be best for you and your groups to take part in the debates on the proposed measure)," he added.
Padilla stressed the healthy exchange of ideas about the bill are all part of our democracy.
Because of this, he invited the public to read the contents of the bill, instead of judging it.
"Ang lahat po ay iniimbitahan na basahin ng detalyado ang panukalang batas upang mas makalahok sa talakayan patungkol dito. Huwag na muna po tayo maghusga. Masyado pa po maaga para magkaroon ng judge (All are invited to read the contents of this bill and take part in a healthy discussion. Let us not judge. It is too early to have 'judges')," he said.
Padilla likewise defended the rights of the LGBTQIA community, which he said is made up of reasonable and respected people who want to be heard.
"Wala po silang intensyon na sagasaan ang anumang religion kayat ang kanilang mungkahi po ay civil hindi Simbahan - an exercise of their democratic Right to Freedom of Religion. Right to Freedom. Right to Equality. Right against Exploitation (They have no intention of violating any religion. That is why my bill is for civil union, not marriage. My bill also seeks to uphold their rights to freedom of religion, to freedom, to equality, and against exploitation)," he said.
Meanwhile, Padilla said he will not go against the "reminders" of some Muslim groups regarding his bill.
"Sila po ang nakakaalam ng Tama at Mali sa ating pananampalataya. Kailanman man po hindi ko sasalungatin ang kanilang mga pahayag ng pagtutuwid. Bagkus nagpapasalamat po ako sa kanilang mga paalala, pahayag at dua Alhamdulillah jazakum allah khayran (They know what is right and wrong in our faith. I will not go against their 'reminders' - instead, I am thankful to them for it)," he said.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.