Comelec VP Debate excerpts of transcript related to Kiko Pangilinan
COMELEC VP DEBATE EXCERPTS OF TRANSCRIPT RELATED TO KIKO PANGILINAN 20 March 2022
Question 1: Kung maaamyendahan ang Konstitusyon, ano ang dapat maidagdag na kapangyarihan o responsibilidad sa bise presidente?
Pangilinan: Ako po ay naniniwala na sapat na ang ating Saligang Batas sa usapin ng kapangyarihan na maaaring ibigay sa ating Vice President. Bakit? Nasa Vice President na 'yun kung sino man siya at kung paano niya gagamitin ang posisyon at kapangyarihan para makatulong sa ating mga kababayan -- at nakita natin 'yan sa naging kilos at naging trabaho ng ating Vice President Leni Robredo, lalo na dito sa Covid response. Siya ang unang upisina ng gobyerno na nakapagbigay ng PPE's sa mga frontliners natin sa iba't ibang parte ng ating bansa. Samu't sari ang naging intervention ni VP Leni para tumulong at humanap ng solusyon sa loob ng dalawang taon 'yung problema sa Covid. Nandiyan ang suporta sa frontliners, Nandiyan 'yung shuttle service, E-consulta, at marami pang iba. So sapat na ang kapangyarihan at mga alituntunin ng ating Saligang Batas para sa ating Vice President. Sinasang-ayunan ko ang nabanggit kanina ni Doc Willie na dapat tandem. Hindi maaring ibang kapartido - ang boto sa Presidente, dapat 'yun din ang boto sa bise-presidente, para nagtutulungan. Para may pagkakaisa. Para kumpleto ang plano sa umpisa pa lamang at hindi nagkakaroon ng bangayan. Question 2: On tandem voting, should the VP be appointed to a cabinet position?
Pangilinan: I don't think it's necessary. Hindi na kinakailangan nakalagay pa sa Konstitusyon na dapat merong posisyon ang vice president. The power of appointment is an executive power. And in this case, it's the President's prerogative kung gusto niyang bigyan ng posisyon ang sinumang nasa kanyang gabinete. Kinakailangan siyempre kumportable siya. Mahirap naman dahil sa sinabi ng Saligang Batas ay kinakailangan niya nang i-appoint. Eh kung hindi sila magkasundo talagang magkakaroon ng problema.
Question 3: May kakulangan ba sa kasalukuyang pagtugon sa COVID19? Paano mo ito susuportahan?
Pangilinan: Kung magkaroon ng surge tulad ng nababanggit ni Dr. Willie Ong at nariyan pa rin yung mga kurakot at incompetent na nagpapatakbo ng ating Covid response, palagay ko nga ay magkaka-problema tayo. Kailangan tanggalin na sila, ngayon pa lang, at hanapan ng mga kapalit na mahusay at talagang tapat sa panunungkulan.
Number two, kinakailangan talagang palakasin pa ang tracing, testing, at itong isolation natin. Dahil nga pag nagkaroon ng surge, hahanapan na naman natin ng testing. At dapat ang testing libre na, hindi na dapat ito ginagastusan pa. Dahil pagka libre, lahat ay magpapa-test -- 'yan ang problema. Libre sa mga halimbawa meron ng sintomas, dapat libre lahat 'yan.
Pati palakasin yung mga suporta sa frontliners. Hindi dapat delayed. Ulit, that's an another question for incompetence. 'Pag mahusay ang lider, hindi pwedeng maging dahilan ang ibabalik ang siyam na bilyon dahil hindi nagasta, dahil kulang sa oras.
Meron tayong 1.4 trillion [pesos] na naka-tengga noong 2021 na hindi ginagamit na pondo dahil hindi magastos dahil hindi ma-absorb. Hanapan na ng paraan para magamit na ang portion of that 1.4 trillion para masuportahan ang papalakas ng ating healthcare system at maihanda natin ang sarili natin sa maaring maging surge.
Question 4: Bakit maliit na pera ang naibigay sa research and development?
Pangilinan: Well, actually ang executive department noong 2019 bago mag-Covid, kinaltasan pa ng 10 billion [pesos] yung budget ng Department of Health. Yun ang isang dahilan kung bakit lahat ng mga programa ay 'di tayo naging handa noong tumama na ang Covid.
Sa halip na binigyang dagdag na budget, binawasan pa. Second, dito rin sa Bayanihan 1 and 2, hinihingi namin ang mas malaking budget para sa response ng gobyerno sa Covid. Hindi rin inaprubahan nang mas mataas dahil daw hindi kaya o hindi raw alam kung saan kukunin. At nakita naman sa huli na hindi rin pala nagastos. Ayaw nilang malaki. Yung meron, di rin nagastos. In the end, dapat good governance - yung maayos at hindi incompetent ang in charge.
Question 5: Sapat ba ang P200 na ayuda sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at bilihin?
Pangilinan: Hindi sapat, 1.6 pesos lang yan per person kada pamilya pag pamilya ay anim. In other words, dalawang daang piso, hindi sapat. Ang dapat gawin, i-suspend ang excise tax sa fuel. At tayo ay naniniwala, executive order lamang, base sa liberal interpretation ng TRAIN Law, pupwede na. Pag sinuspend mo na ang fuel excise tax, mababawasan ng sampung piso, anim na piso, at limang piso kada litro. Kaagad-agad, mararamdaman ng taong bayan 'yan.
Sinasabi nila na 130 billion [pesos] daw ang mawawala, eh, 1.4 trillion [pesos] naman ang hindi ginagastos. So ano'ng mawawala? Hindi totoo iyon, kami ay hindi sang-ayon. Pangalawa, kaagad-agad na nailabas ang 500 million [pesos] na fuel subsidy para sa ating mga farmers at fisherfolk. At tiyakin na sila mismo ay hindi ito kinukurakot dahil may balita tayo, hindi naman tayo talaga ang mga qualified ang nakakatanggap. Ganun din sa transport sector, mayroong 2.5 billion [pesos] na fuel subsidy. Sinama natin ang mga taxi driver at tricyle driver dyan. Mayroon pang 6 billion [pesos] additional fuel subsidy sa ating budget na unprogrammed.
Pag ang gobyerno ay mabilis kumilos, kapag ang gobyerno ay hindi natutulog, ika nga, at araw-araw binubusisi at tinitiyak na ma-re-release ito, makakatulong ng malaki iyan. 'Yan ang ating action steps dyan.
Topic: On Filipinos and farmers' complaints regarding price hikes.
Pangilinan: Ang daing din ng ating mga kababayan, lalo na ang mga magsasaka at mangingisda: Dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo, tumaas na rin ang presyo ng fertilizer. Napakalaki. Tumaas din ang [gastos sa] pagpalaaot ng ating mga mangingisda; 70% ng kanilang gastos ay sa gasolina.
Dapat bumili direkta ngayon ang ating gobyerno dahil sa Republic Act 11321, yung Sagip Saka Act, pwede nang bumili direkta sa mga magsasaka at mangingisda, wala nang public bidding. Bilhin ang produkto nila para meron silang pagdagdag na gastos dahil sa tamang presyo bibilhin ng gobyerno.
Nandiyan ang batas, implementation lang.
Topic: Sa panliligaw ng mga kandidato sa mga botante
Pangilinan: In a response lang sa point na binanggit ni Mr. David. Wala si Mr. Marcos kagabi, wala si Sara Duterte ngayong araw. Sila ang magkaticket. Alam niyo kaming mga kandidato, lumiligaw kami. Liniligawan namin ang mga botante - kapag lumiligaw, dapat humaharap. Ako, may tatlong anak, 'pag may lumiligaw sa aking anak, dapat humaharap. Respetuhin ang aking mga anak. Respetuhin ang mga magulang. Kapag hindi humaharap, rinerespeto ba kami? Oh, kayong mga botante kapag hindi kayo hinaharap, rinerespeto ba kayo?
Question 6: Anong isyu o problema ng lipunan ang nangangailangan ng bagong polisiya o batas na irerekomenda mo sa pangulo?
Ako'y sampung taon ng mahigit na nagsasaka ng prutas at gulay sa Alfonso, Cavite. Naiintindihan ko kahit papaano ang mga dinaranas ng ating mga magsasaka at mangingisda. Nakilala ko si Tatang Meg, rice farmer sa Pampanga. 87 years old na siya. 67 years na siyang nagsasaka.
Ngunit siya'y baon pa rin sa utang at nagsasaka pa rin. Hindi ito makatarungan. Ano'ng klaseng lipunan ang papayag na hayaan na lang na yung mga nagpapakain sa atin, dapat retired na pero nagsasaka pa rin. Nagsasaka pa rin dahil wala silang kakainin kung hindi nila itutuloy ang pagsasaka. Dahil kapos sila.
'Yan ang dapat natin ayusin. Tutukan natin ang tulong at suporta - at buo - sa ating mga magsasaka at mangingisda, dahil pag ang tulong ay buo, dadami ang kanilang ani, dadami ang kanilang huli, dadami na rin ang supply ng pagkain sa ating mga merkado, bababa na ang presyo ng pagkain at mawawala na ang matinding gutom. Yan ang dapat nating gawin.
May mga batas na tayong naipasa, dapat full implementation ng Coco Levy Trust Fund measure na kung saan isang daang bilyon tayo ang principal author niyan, isang daang bilyon para sa magniniyog dapat makinabang sila at tumaas ang kanilang kita. Sagip Saka Act, isa pa yan, direkta nang pwedeng bumili ang gobyerno sa magsasaka at mangingisda, wala nang public bidding. Sa tamang presyo, hindi na sila babaratin. Aangat na ang kanilang buhay. Yan ang ating gagawin.
Question 7: How can you say that you are an advocate of the farmers when you abstained on the biggest law that would affect the farmers of the decade - the Rice Tariffication Act?
Yes, I had reservations precisely in supporting the measure and that's precisely why I abstained because I had reservations and we moved to amend the law. In fact, it has been amended to now allow for cash assistance to be given to rice farmers and we will move again to amend it so that we will increase the allocation of the tariffs collected for direct support and assistance for our farmers and fisherfolk.
On Senator Kiko Pangilinan's abstention of the Rice Tariffication Act
Pangilinan: We respect the view of Prof. Bello, but we obviously disagree with him. The Rice Tariffication measure was passed in March of 2019. The Sagip Saka Act was passed in April 2019. The Sagip Saka Act now mandates that national and local governments can now buy directly from our rice farmers palay, rice, and other products. That's precisely why we pushed for that because we knew the impact of the Rice Tariffication measure. So I beg to disagree with his view that we are crazy or we do not know or are not aware of the implications of the Rice Tariffication. I abstained from it because I had reservations. If you disagree with my vote, well, let us learn to agree to disagree, with respect. Topic: Mas epektibo ba ang pagkakaroon ng isa lamang na anticorruption agency?
Pangilinan: Ang problema dapat talaga ang anti-corruption agency ay ang hudikatura dahil sila ang nagpaparusa sa mga nagkakasala. Ang problema, kulang ang budget ng hudikatura, wala pang 2% ng kabuuang budget ng ating gobyerno.
Kulang ang mga fiscal, kulang ang mga korte, kulang ang mga judge - ang mga judge ata kulang ng 25% ang ating huwes, kulang ng mga 30% ang mga fiscal. Ayaw mag abogado sa gobyerno dahil mababa ang pay. Dapat ma-increase ang budget.
Mabagal ang paglilitis. Anim na taon ang paglilitis ng isang kaso sa first level court, doon nagkakaproblema. We must modernize our judiciary so that the corruption drive will be meaningful.
Ang Hong Kong, 8 out of 10 cases, convicted. Ang Japan 9 out of 10 corruption cases, convicted. Sa atin wala pang 3 out of 10. Ibig sabihin sa bawat sampu, pito abswelto. Paano magkakaroon ng respeto sa ating mga batas at matatakot ang mga kurakot kung mabagal ang paglilitis at karamihan abwselto. We have to modernize our justice system. We have to double the budget of the judiciary. We did this actually.
We were able to increase the budget of the judiciary by an additional 3 billion in 2008 when we were chairman of the Committee on Justice and we were able to put together the Judiciary Executive Legislative Advisory Council para matugunan ang problema ang budget ng judiciary, hudikatura.
Topic: On corruption and what has happened during the pork barrel scam
We agree sa nabanggit kanina ni Senate President Sotto na napakahalaga ang "lead by example" at mababanggit ko na rin na si Vice President Leni tatlong beses nakuha yung unqualified opinion ng COA na maganda ang patakbo ng Office of the Vice President. At ISO Certified pa sila, so ibig sabihin na-professionalize niya ang kanyang opisina. Tayo naman, ni minsan sa ating panunungkulan, never tayong nasangkot sa anumang kasong anomalya. So naniniwala tayo sa Leni-Kiko tandem, we'll also lead by example.
Question by Manny Lopez: Kung may pork-barrel ka (the legislators), usually may corruption. Can any of the legislators answer this?
Sabi niya [ni Manny Lopez] usually, but not all the time. In our case, three terms as senator, we've never been involved in any case involving corruption.
Topic: On monopoly and political dynasty
Tayo po ay naging principal sponsor ng Anti-Dynasty measure nung nakaraang kongreso. Nakakuha tayo ng majority ng senators na pumirma ng committee report at nainsponsor ito. Dangan lang, nagkulang lang ng oras so mayroong chance at I agree that we are against political dynasties.
Closing Statement
Dati, kapag kumakain ka ng karneng baboy, doon ka nagkaka-highblood. Ngayon, makita mo lang ang presyo ng isang kilo ng karneng baboy na 380 pesos ay magkaka-high blood ka na. Mataas ang presyo ng pagkain dahil kulang ang supply, kulang ang supply dahil kulang ang suporta sa mga magsasaka at mangingisda, kulang ang ginagasta ng gobyerno para sa agrikultura at pangingisda.
Pag tayo ay papalarin bilang VP, malawak ang aking karanasan bilang senador, malawak ang karanasan sa sampung taong pagsasaka, malawak din ang karanasan bilang isang kalihim ng food security secretary at kung kinakailangan, pati pagiging presidente.
Sa araw ng halalan sa Mayo, pagkatapos ng mahabang pagkampanya -- sa tulong ng ating mga kababayan at sa awa ng Diyos, sa vice-presidential race, nawa'y the last man standing is a farmer.
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.