There were 99 press releases posted in the last 24 hours and 400,751 in the last 365 days.

Gatchalian urges LGUs: Give schools green light to hold face-to-face classes

PHILIPPINES, March 13 - Press Release March 13, 2022

Gatchalian urges LGUs: Give schools green light to hold face-to-face classes

Amid the continuous decrease of COVID-19 cases and the easing of pandemic-related restrictions nationwide, Senator Win Gatchalian is urging local government units (LGUs) to allow schools in their areas to conduct limited face-to-face classes.

Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, has been pushing for the opening of all schools for limited face-to-face classes, citing both economic benefits and the urgency of addressing the impact of prolonged school closures.

Schools that have not resumed face-to-face classes are still waiting for the concurrence of their respective LGUs.

There are 6,406 schools, including 130 private schools, conducting limited face-to-face classes as of March 5. Under the Progressive Expansion phase of limited face-to-face classes, which started last February, 6,641 schools were nominated to conduct in-person classes. These schools have passed the School Safety Assessment Tool (SSAT).

Out of these nominated schools, 6,122 or 92% are already conducting limited face-to-face classes, while 519 or 8% have not yet started.

With 39 areas, including the National Capital Region, under Alert Level 1 and the rest of the country under Alert Level 2, Gatchalian said restrictions on holding limited face-to-face classes should be eased.

The lawmaker pointed out that millions of learners have yet to return to school since face-to-face classes were suspended in March 2020. As of March 5, there are 908,751 learners participating in limited face-to-face classes. There are 27.41 million learners enrolled in the basic education system for School Year 2021-2022.

"Ngayong binubuksan na natin ang ating ekonomiya, hindi na rin natin dapat ipagpaliban pa ang pagkakaroon ng limited face-to-face classes sa lahat ng ating mga paaralan. Ang aking panawagan sa mga LGUs: pahintulutan na natin ang mga paaralan na magsagawa ng limited face-to-face classes upang masimulan ang pagbangon ng ating sektor ng edukasyon," said Gatchalian.

According to the National Economic Development and Authority (NEDA), the expansion of face-to-face classes will add P12 billion per week to the economy. The additional economic output would come from the resumption of business and services around schools like transportation, dormitories, food stalls, and the sale of school materials.

# # #

__________________________________________________________

Gatchalian hinimok ang mga LGUs na pahintulutan na ang face-to-face classes

Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 at pagluwag ng mga restrictions sa buong bansa, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga local government units (LGUs) na pahintulutan na ang mga paaralang magsagawa ng face-to-face classes.

Isinusulong ni Gatchalian ang pagbubukas ng lahat ng mga paaralan para sa limited face-to-face classes. Giit ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, makatutulong ang pagbabalik ng face-to-face classes sa ekonomiya. Ayon pa sa senador, mahalagang matugunan ang mga pinsalang nauugnay sa kawalan ng face-to-face classes.

May mga paaralang hindi pa nakakapagsimula ng face-to-face classes dahil hinihintay nila ang pahintulot ng kanilang mga lokal na pamahalaan.

May mahigit anim na libo o 6,406 na mga paaralan, kabilang ang 130 na pribadong paaralan ang nagsasagawa na ng limited face-to-face classes buhat noong Marso 5. Sa ilalim ng Progressive Expansion phase ng limited face-to-face classes na nagsimula noong Pebrero, may 6,641 na mga paaralan na nominado para sa pagsasagawa ng face-to-face classes. Nakapasa ang mga paaralang ito sa School Safety Assessment Tool (SSAT).

Sa mga nominadong mga paaralan, 6,122 o 92 porsyento ang nagsasagawa na ng limited face-to-face classes. May 519 o walong porsyento ang hindi pa nagsisimula.

Ngayong may halos apatnapung (39) mga lugar, kabilang ang National Capital Region (NCR), ang kasalukuyang nasa Alert Level 1 habang ang ibang bahagi ng bansa ay nasa Alert Level 2, iginiit ni Gatchalian na dapat na ring magluwag sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes.

Binigyang diin ng mambabatas na milyong-milyong mga mag-aaral ang hindi pa nakakabalik sa kanilang mga paaralan matapos suspindihin ang face-to-face classes noong Marso 2020. Buhat nitong Marso 5, wala pang isang milyong (908,751) mga mag-aaral ang lumalahok sa limited face-to-face classes. May 27.41 milyong mga mag-aaral ang naka-enroll sa basic education para sa School Year 2021-2022.

"Ngayong binubuksan na natin ang ating ekonomiya, hindi na rin natin dapat ipagpaliban pa ang pagkakaroon ng limited face-to-face classes sa lahat ng ating mga paaralan. Ang aking panawagan sa mga LGUs: pahintulutan na natin ang mga paaralan na magsagawa ng limited face-to-face classes upang masimulan na ang pagbangon ng sektor ng edukasyon," ani Gatchalian.

Ayon sa National Economic and Development Authority, labindalawang bilyong piso ang maidadagdag sa ekonomiya kada linggo kung papalawigin ang face-to-face classes. Ito ay dahil sa muling pagbubukas ng mga negosyong nakapalibot sa mga paaralan, kabilang ang transportasyon, mga dormitoryo, mga food stalls, pati na rin ang pagbebenta ng mga school materials.

# # #

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.