Pangilinan: Mahal na nga ang swab test, pati antigen testing, mahal din?
Pangilinan: Mahal na nga ang swab test, pati antigen testing, mahal din?
"Sa Pilipinas, sweldo na lang siguro ng ordinaryong mamamayan ang hindi tumataas. Mataas ang presyo ng gasolina, mataas ang presyo ng bilihin, mataas ang presyo ng bigas. Sa usapin naman ng pandemyang kinakaharap natin, ang swab testing at antigen testing ay parehong napakamahal at hindi budget-friendly para sa ating mga ordinaryong mamamayan.
Kaya katawa-tawa na paano natin i-expect na magpa-test ang ating mga kababayan kung sobrang taas naman ng testing fee. Ang swab test ay hindi bababa sa P3,000 ang presyo, samantalang ang antigen testing naman ay nasa P900. Sa tingin ninyo, ano ang uunahin ng mga Pilipino: Kalam ng sikmura? O iyang mga test na iyan?
Sa ibang bansa, readily available sa mga botika ang antigen tests at hindi tulad sa Pilipinas, hindi lalagpas sa $6 (P300) ang presyo nito. Self-testing na lang din ang ginagawa ng ibang mamamayan sa ibang bansa pagdating sa antigen test. Kung kaya ng ibang bansa na ibaba ang kanilang presyo ng antigen testing, bakit hindi natin kaya?
To quell the spread of Covid-19, we need an assertive and collective response. That means making sure everyone, regardless of socio-economic background, has access to tests.
Twenty-eight thousand and seven (28,007) ang total cases na naitala ng Department of Health kahapon (January 11, 2022). Ngunit duda ako sa numerong ito. There could be more positive cases but we are blindsided because our citizens refuse to get tested due to the high cost of tests.
It's time to be pro-active. Gawing libre ang testing!"
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.