Cayetanos bring aid to Quezon City fire victims as recovery efforts continue
July 20, 2024
Cayetanos bring aid to Quezon City fire victims as recovery efforts continue
"Ang problema namin, wala po kaming tirahan. Pero sa kabila nito, lahat po kami ay ligtas. Malaking tulong po itong ipinaabot ninyo."
Flordeliza Lopez, one of the fire victims in Quezon City, thanked Senators Alan Peter and Pia Cayetano for including her among the hundreds of fire victims who received assistance on Thursday, July 18, 2024.
"Y'ung sunog po ay nangyari ng madaling araw," an emotional Lopez said. "Wala na po akong naisalba kundi mga mahahalagang dokumento dahil nasa third floor po ang bahay namin. Talagang hirap po kami."
The fire devastated an area where many homes were built with lightweight materials, resulting in the destruction of residences for 197 families in the barangay.
To provide immediate relief, the Emergency Response Department (ERD) team of the Cayetanos collaborated with the Department of Social Welfare and Development (DSWD) and Barangay San Roque Chairman Telesforo "Nonoy" Mortega.
They delivered aid to 156 fire victims in Barangay San Roque, Quezon City through the Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program
"Nag-aadjust pa rin po ang karamihan sa kanila [mga biktima] at may ilan pa pong hindi pa rin nagkakaroon ng tirahan. Maraming salamat po sa inyong ipinaabot na tulong," said Barangay Chairman Mortega.
He also encouraged the victims to persevere and assured them that more help would be on the way.
This ERD initiative was part of the Bayanihan Caravan of the Cayetano siblings, which travels nationwide to assist Filipinos in need and support vulnerable communities.
Tulong para sa mga nasunugan sa QC, ipinaabot ng mga Cayetano
"Ang problema namin, wala po kaming tirahan. Pero sa kabila nito, lahat po kami ay ligtas. Malaking tulong po itong ipinaabot ninyo."
Ito ang pahayag ni Flordeliza Lopez, isa sa mga biktima ng sunog sa Quezon City. Nagpasalamat siya kina Senador Alan Peter at Pia Cayetano dahil napabilang siya sa mga nabigyan ng tulong nitong Huwebes, July 18, 2024.
"Y'ung sunog po ay nangyari ng madaling araw. Wala na po akong naisalba kundi mga mahahalagang dokumento dahil nasa third floor po ang bahay namin. Talagang hirap po kami." wika niya.
Tinupok ng apoy ang isang bahagi ng barangay kung saan napinsala ang mga kabahayan na gawa sa lightweight materials at siyang dahilan ng pagkawala ng tirahan ng 197 na pamilya.
Upang makapagbigay ng agarang tulong, nakipagtulungan ang Emergency Response Department (ERD) ng magkapatid na senador sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at kay Barangay San Roque Chairman Telesforo "Nonoy" Mortega.
Sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), nakapagbigay ng tulong ang mga kinatawan ng magkapatid na senador sa 156 na nasunugan.
"Nag-aadjust pa rin po ang karamihan sa kanila [mga biktima] at may ilan pa pong hindi pa rin nagkakaroon ng tirahan. Maraming salamat po sa inyong ipinaabot na tulong," wika ni Barangay Chairman Mortega.
Hinikayat din niya ang mga biktima na maging matatag sa kabila ng pagsubok at tiniyak na may iba pang tulong na makararating sa kanila.
Bilang bahagi ng Bayanihan Caravan ng magkapatid na senador, layunin ng ERD na abutin at makapagbigay ng agarang tulong sa mga Pilipinong lubos na nangangailangan.