Cayetano attributes Taguig's continued progress to city's God-centeredness
February 17, 2023
Cayetano attributes Taguig's continued progress to city's God-centeredness
Senator Alan Peter Cayetano on Friday said the City of Taguig has been experiencing continued progress because of its decision to be God-centered.
Talking to more than 40 pastors and their spouses over a post-Valentine's Day fellowship lunch, Cayetano said Taguig has been seeing "miracles" in the face of national economic challenges ever since the city offered the year 2023 to the Lord.
He cited as examples the undergoing construction of the new Taguig General Hospital and the successful opening of the Taguig Convention Center which also houses the City's Business One-Stop Shop (BOSS).
"Kapag ang Diyos talaga ang Hari at ang Banal na Espiritu po ang pinakikinggan natin, nangyayari ang miracles. It's not our will that's happening there but the will of the Lord," he said.
The Senator said the key to transforming the nation is for the people to respond to God's goodness with their lives, encouraging the pastors not to be preoccupied with just growing the number of their respective flocks but instead help them create an impact on other people by embodying God's teachings.
"Kahit lima lang kayo sa inyong barangay, kung ang youth ay nakikinig sa inyo, lumalayo sa droga, nanonood ng preaching sa Tiktok imbes na kung anu-ano, may impact 'yon," he told them.
"Pero kung 3,000 kayong Christian doon pero hindi nila makita ang pag-ibig ng Diyos sa inyo, may impact ba y'un?" he continued.
The Senator also asked the pastors to pray for all businesses in Taguig, hopeful that "miracles" will soon be also happening in areas of the City that are currently less developed compared to Fort Bonifacio and Arca South, especially Laguna Lakeshore.
"Let us allow God to lead us because He has the best plan for us," he said.###
Cayetano: Diyos ang nasa likod ng tuloy-tuloy na pag-unlad ng Taguig
Ang Diyos ang dahilan ng tuloy-tuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Taguig, ayon kay Senador Alan Peter Cayetano noong Biyernes.
Sa harap ng mahigit 40 na mga pastor at kanilang mga asawa na nagtipon para sa isang post-Valentine's Day fellowship lunch, sinabi ni Cayetano na sunod-sunod ang mga "himala" na nakikita nila sa Taguig mula nang i-dedicate nila ang lungsod sa Panginoon ngayong taong 2023.
Ibinigay niya bilang halimbawa ang pagtatayo ng bagong Taguig General Hospital at ang matagumpay na pagbubukas ng Taguig Convention Center kung saan din matatagpuan ang Business One-Stop Shop (BOSS) ng lungsod.
"Kapag ang Diyos talaga ang Hari at ang Banal na Espiritu po ang pinakikinggan natin, nangyayari ang miracles. It's not our will that's happening there but the will of the Lord," aniya.
Ayon kay Cayetano, ang susi sa pagbabagong-anyo ng bansa ay ang pagsunod sa Panginoon bilang tugon sa kabutihan Niya. Hinimok niya ang mga pastor na huwag lang tumutok sa pagpapalaki ng kanilang mga kongregasyon kundi tulungan ang kanilang mga miyembro na lumikha ng impact sa iba pang mga tao sa pamamagitan ng pagsasabuhay sa mga turo ng Diyos.
"Kahit lima lang kayo sa inyong barangay, kung ang youth ay nakikinig sa inyo, lumalayo sa droga, nanonood ng preaching sa Tiktok imbes na kung anu-ano, may impact 'yon," sabi ng senador.
"Pero kung 3,000 kayong Christian doon pero hindi nila makita ang pag-ibig ng Diyos sa inyo, may impact ba y'un?" pagtutuloy niya.
Nanawagan din si Cayetano sa mga pastor na ipagdasal ang lahat ng mga negosyo sa Taguig. Umaasa siya aniya na makararanas din ng mga himala at kaunlaran ang ibang mga lugar ng lungsod tulad ng tinatamasa ng Fort Bonifacio o Arca South, lalo na ang Laguna Lakeshore.
"Let us allow God to lead us because He has the best plan for us," aniya.###
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.