There were 122 press releases posted in the last 24 hours and 397,123 in the last 365 days.

Bwisit na fake news: Hontiveros renews call for law vs fake news peddlers

PHILIPPINES, February 15 - Press Release February 15, 2022

"BWISIT NA FAKE NEWS" HONTIVEROS RENEWS CALL FOR LAW VS FAKE NEWS PEDDLERS

Senator Risa Hontiveros has renewed her call for an official investigation on "troll farms" and fake news peddlers who spread misinformation online.

Hontiveros says it is the duty of the Senate "to protect the integrity of our government."

"I will definitely support a bill that will hold producers of fake news accountable. Lalo na dahil nitong nakaraang kalahating dekada, apparently, taxpayer's funds ay ginamit talaga para din mag-finance ng ganitong klaseng operation," she said.

Back in July 2021, Hontiveros was among the senators who supported Senator Panfilo Lacson's Senate Resolution No. 768, which called for an investigation on allegations that public funds were being spent on troll farms and fake social media accounts.

Hontiveros stressed that regulatory mechanisms should be imposed on platforms, such as social media entities, that fail to control the spread of fake news on their platforms.

"May responsibilidad ang mga kompanyang ito, at pati na rin tayong mga gumagamit sa websites o apps nila, na tumulong sa pagpigil ng pagkalat ng fake news. Lalo na, tulad ng sinabi ni Maria Ressa sa [speech n'ya sa] Oslo, 'yung stakeholders na kikita sa social media business. They should be accountable," she pointed out.

Hontiveros, chairperson of the Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, then cited salient features of Senate Bill (SB) No. 2209 or the proposed Special Protections Against Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) Law and SB No. 2449 or the Expanded Anti-Trafficking Act of 2021.

"Dun sa anti-OSAEC bill, yung mga social media companies ay talagang dapat ring accountable — whether sa [paggamit sa] online sexual abuse and exploitation o human trafficking. Dun sa anti-trafficking law, ginawa rin naming accountable pati intermediaries, banks and others, na nagiging daluyan nitong dark transactions ng OSAEC and human trafficking at nagiging daluyan ng bayad para sa tao na parang gamit tayo at hindi tao," she explained.

"So, it should be the same for fake news, for facilitating or enabling trolling," she stressed.

The senator herself has been the target of fake news that questioned her credibility and ridiculed her advocacies.

That being the case, Hontiveros hopes the next administration would find ways to "dismantle this cynical operation," saying it is an "abuse of the conscientization of the citizens."

The proliferation of fake news is a global phenomenon, with the United Nations (UN) referring to it as an "infodemic." The UN is currently enlisting the help of businesses, as well as the media and journalists, to fight misinformation — most of which focuses on the equally volatile subject of COVID-19. To date, the UN has approved several anti-fake news initiatives in Africa, India, and the Caribbean. Meanwhile, the European Union is also taking steps to fight fake news.

"If other countries can support anti-fake news initiatives, then the Philippines can do the same thing," said Hontiveros. "We cannot allow these practices to go unpunished. Gawin natin ang lahat para manaig ang katotohanan."

#####

_____________________________________________________________________

"BWISIT NA FAKE NEWS" HONTIVEROS SUSUPORTAHAN ANG BATAS LABAN SA TROLLS, MGA NAGPAPAKALAT NG PEKENG BALITA

Si Senador Risa Hontiveros ay muling nanawagan para sa isang opisyal na pagsisiyasat sa mga "troll farm" at iba pang nagpapakalat ng fake news online.

Sinabi ni Hontiveros na tungkulin ng Senado na "protektahan ang integridad ng ating gobyerno."

"Susuportahan ko ang isang panukalang batas na mananagot sa mga gumagawa ng fake news. Lalo na dahil nitong nakaraang kalahating dekada, tila yung buwis na galing sa taong bayan ay ginamit para din mag-finance ng ganitong klaseng operation," ani ng senador.

Noong Hulyo 2021, kabilang si Hontiveros sa mga senador na sumuporta sa Senate Resolution No. 768 ni Senator Panfilo Lacson, na nananawagan para imbestigahan ang mga alegasyon na ang mga pampublikong pondo ay ginagastos sa mga troll farm at pekeng social media accounts.

Binigyang-diin ni Hontiveros na dapat may "regulatory mechanisms" ang mga social media companies na sa ngayon ay bigo sa pagpigil ng pagkalat ng fake news sa kanilang online platforms.

"May responsibilidad ang mga kompanyang ito, at pati na rin tayong mga gumagamit sa websites o apps nila, na tumulong sa pagpigil ng pagkalat ng fake news. Lalo na, tulad ng sinabi ni Maria Ressa sa [speech n'ya sa] Oslo, 'yung stakeholders na kikita sa social media business. They should be accountable," sabi ni Hontiveros.

Si Hontiveros — ang chairperson of the Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality — ay nagbanggit ng ilang mga hakbang para panagutin ang mga social media companies. Itong mga hakbang na ito ay nakasaad na rin sa Senate Bill (SB) No. 2209 o ang proposed Special Protections Against Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) Law at sa SB No. 2449 o ang Expanded Anti-Trafficking Act of 2021.

"Dun sa anti-OSAEC bill, yung mga social media companies ay talagang dapat ring accountable — whether sa [paggamit sa] online sexual abuse and exploitation o human trafficking. Dun sa anti-trafficking law, ginawa rin naming accountable pati intermediaries, banks and others, na nagiging daluyan nitong dark transactions ng OSAEC and human trafficking at nagiging daluyan ng bayad para sa tao na parang gamit tayo at hindi tao," paliwanag ni Hontiveros.

Dagdag ng senador: "Dapat ito rin ang gawin para sa mga nagpapakalat ng fake news at mga trolls."

Si Hontiveros mismo ay naging target ng fake news na kumukuwestiyon sa kanyang kredibilidad at kinutya sa kanyang mga adbokasiya.

Kaya umaasa si Hontiveros na ang susunod na administrasyon ay makakahanap ng mga paraan upang "buwagin ang mapang-uyam na operasyong ito" dahil ito ay isang "pang-aabuso sa kamalayan ng mga mamamayan."

Ang paglaganap ng fake news ay isang global phenomenon, na tinatawag ng United Nations (UN) na "infodemic." Kasalukuyang humihingi ng tulong ang UN sa mga negosyo, pati na rin ng media at mga mamamahayag, upang labanan ang maling impormasyon — karamihan sa mga ito ay nakatuon sa COVID-19. Sa ngayon, inaprubahan na ng UN ang ilang mga hakbang laban sa fake news sa Africa, India, at Caribbean. Samantala, ang European Union ay gumagawa din ng mga hakbang upang labanan ang fake.

"Kung kayang suportahan ng ibang mga bansa ang mga hakbang laban sa fake news, magagawa rin ito ng Pilipinas," said Hontiveros. "Hindi natin maaaring payagan na hindi maparusahan ang mga gawaing ito. Gawin natin ang lahat para manaig ang katotohanan."

#####

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.