Villar Family Honors Contributions of OFWs at 13th OFW and Family Summit
November 9, 2024
Villar Family Honors Contributions of OFWs at 13th OFW and Family Summit
The Villar family paid tribute to the invaluable contributions of Overseas Filipino Workers (OFWs) at the 13th OFW and Family Summit, on Friday,November 8, held at The Tent in Las Piñas City
Over 4,000 OFWs and their family members participated in the Summit.
This year's theme "Tara Magnegosyo Na!" the summit urged the OFWs and their families to invest in local businesses and opportunities to maximize their hard-earned income.
The event kicked off with a ribbon-cutting ceremony led by the Villar Family together with OWAA Administrator Arnel Ignacio, DMW Asec.Venecio Legaspi and father Fr. Dennis Irisari of San Ezekiel parish.
House Deputy Speaker Camille Villar expressed heartfelt gratitude to the OFWs for their immense contributions to society.
"Lahat po kami taos pusong nagpapasalamat sa inyo at sa sakripisyo niyo," said Deputy Speaker Villar.
"Kaya para po sa inyo itong 13th OFW Summit, para kahit sa isang munting paraan, maipakita po naming ang pasasalamat sa inyo. Saludo po kami sa inyong sipag,tiyaga, dedikasyon at pagmamahal sa ating bayan" added Congresswoman Villar.
Senator Mark Villar on the other hand, assured OFWs and their families of sustained assistance and support, both personally and through legislative initiatives aimed at safeguarding the rights and welfare of OFWs. He highlighted the filing of Senate Bill 223 to provide credit assistance to employed OFWs and Senate Bill 1415 to establish an Assistance Fund for OFWs in distress.
"Kami po ay lubusang humahanga sa inyong pagsisikap upang mabigyan ng magandang buhay ang inyong mga pamilya sa kabila ng pagiging malayo sa kanila" said Senator Villar.
"Kaya naman po sa abot ng aming makakaya, kami po ay patuloy na magbibigay suporta sa ating mga kapatid na OFWs at sa inyong mga pamilya na maiiwan dito sa Pilipinas," he added.
Former Senate President Manny Villar, who started the said advocacy on OFW, expressed optimism about the progress made in protecting the OFW sector and stressed the need to enhance the financial and entrepreneurial skills of OFWs. He recognized the vital role of migrant workers in society and the economy, urging continued support for their endeavors.
"Natutuwa ako at umaangat ang buhay ng ating mga OFWs. Marami pa rin tayong tutulungan, magkikita pa rin tayo sa mga susunod na OFW summit' said the former Senate President.
In her final message on the other hand, Senator Cynthia Villar thanked everyone who attended the summit and once again invited everyone to use their learnings and insights from the guests to establish local business and make it flourish.
The senator, a known advocate of OFWs, believes that with the proper guidance and mentorship, our migrant workers will also find success in entrepreneurship, while spurring economic growth in localities.
Various experts on financial literacy, business start-ups, and career development programs were invited to speak during the event.
Successful OFW entrepreneurs were also invited to share inspiring experiences that could help motivate OFWs to wisely spend their hard-earned money.
In between the discussions and presentations, raffle prizes including household appliances, pangkabuhayan packages, and motorcycles were given away to participating OFWs.
Mylene Chua, a mother of five from Sto. Nino Marikina City, who works as a domestic helper in Kuwait bagged the grand prize of Camella House.
The summit--initiated by the Villar family through Villar Foundation--is their annual offering to OFWs, who are known for sacrificing a lot for the sake of giving their families a decent and comfortable life back home.
Pamilya Villar pinarangalan ang Kontribusyon ng mga OFW sa 13th OFW at Family Summit
Nagbigay pugay ang pamilya Villar sa hindi matatawarang kontribusyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa 13th OFW and Family Summit, noong Biyernes, Nobyembre 8, na ginanap sa The Tent sa Las Piñas City.
Mahigit 4,000 OFW at kanilang mga kapamilya ang lumahok sa nasabing Summit.
Sa temang "Tara Magnegosyo Na!" hinikayat ng Summit ang mga OFW at kanilang mga pamilya na mamuhunan sa mga lokal na negosyo at mga pagkakataon upang mapakinabangan ang kanilang pinaghirapang kita.
Sinimulan ang kaganapan sa isang ribbon-cutting ceremony na pinangunahan ng Pamilya Villar kasama si OWAA Administrator Arnel Ignacio, DMW Asec. Venecio Legaspi at Fr. Dennis Irisari ng parokya ng San Ezekiel.
Sa kanyang pahayag taos-pusong nagpasalamat si House Deputy Speaker Camille Villar sa mga OFW sa kanilang napakalaking kontribusyon sa lipunan.
"Lahat po kami taos pusong nagpapasalamat sa inyo at sa sakripisyo niyo," said Deputy Speaker Villar.
"Kaya para po sa inyo itong 13th OFW Summit, para kahit sa isang munting paraan, maipakita po naming ang pasasalamat sa inyo. Saludo po kami sa inyong sipag,tiyaga, dedikasyon at pagmamahal sa ating bayan" dagdag pa ni Congresswoman Villar.
Tiniyak naman ni Senator Mark Villar sa mga OFW at kanilang mga pamilya ang patuloy na tulong at suporta, sa personal at sa pamamagitan ng legislative initiatives na naglalayong pangalagaan ang mga karapatan at kapakanan ng mga OFW. Binigyang-diin niya ang paghahain ng Senate Bill 223 para magbigay ng credit assistance sa mga nagtatrabahong OFW at Senate Bill 1415 para magtatag ng Assistance Fund para sa mga OFW na nasa distress.
"Kami po ay lubusang humahanga sa inyong pagsisikap upang mabigyan ng magandang buhay ang inyong mga pamilya sa kabila ng pagiging malayo sa kanila" ayon kay Senator Mark.
"Kaya naman po sa abot ng aming makakaya, kami po ay patuloy na magbibigay suporta sa ating mga kapatid na OFWs at sa inyong mga pamilya na maiiwan dito sa Pilipinas," dagdag pa niya.
Si dating Senate President Manny Villar na nagsimula ng nasabing adbokasiya sa OFW, ay nagpahayag ng optimismo tungkol sa pagsulong na nagawa sa pagprotekta sa sektor ng OFW at idiniin ang pangangailangang pahusayin ang pinansyal at entrepreneurial na kakayahan ng mga ng mga ito.
Kinilala niya ang mahalagang papel ng mga migranteng manggagawa sa lipunan at ekonomiya, na hinimok ang patuloy na suporta para sa kanilang mga pagsisikap.
"Natutuwa ako at umaangat ang buhay ng ating mga OFWs. Marami pa rin tayong tutulungan, magkikita pa rin tayo sa mga susunod na OFW summit' said the former Senate President.
Sa kanyang huling mensahe, pinasalamatan ni Senador Cynthia Villar ang lahat ng dumalo sa summit at muling inanyayahan ang lahat na gamitin ang kanilang mga natutunan at insights mula sa mga panauhin upang maitatag ang lokal na negosyo at mapaunlad ito.
Naniniwala ang senador, isang kilalang tagapagtaguyod ng mga OFW, na sa wastong paggabay at pagtuturo, ang ating mga OFWs ay makakamit din ng tagumpay sa pagnenegosyo, habang pinasisigla ang paglago ng ekonomiya sa mga lokalidad.
Iba't ibang eksperto sa financial literacy, business start-ups, at career development programs ang inimbitahang magsalita sa event.
Ang mga matagumpay na OFW entrepreneurs ay inanyayahan din na magbahagi ng mga inspiring na karanasan na maaaring makatulong sa pag-udyok sa mga OFW na matalinong gugulin ang kanilang pinaghirapang pera.
Sa pagitan ng mga talakayan at pagtatanghal, nagb igay ng mga raffle prizes. kabilang ang mga household appliances, pangkabuhayan package, at mga motorsiklo para sa mga kalahok na dumalo
Si Mylene Chua, ina ng limang anak mula sa Sto. Nino Marikina City, na nagtrabaho bilang domestic helper sa Kuwait, ang nakakuha ng grand prize na Camella house and lot.
Ang summit--na pinasimulan ng pamilya Villar sa pamamagitan ng Villar Foundation--ay ang kanilang taunang handog sa mga OFW, na kilala sa maraming pagsasakripisyo para lang maibigay sa kanilang mga pamilya ang disente at komportableng buhay sa kanilang bansa.