Transcript of interview: Senator Risa Hontiveros with Joel Reyes Zobel and Rowena Salvacion on DZBB
July 12, 2024
Transcript of interview: Senator Risa Hontiveros with Joel Reyes Zobel and Rowena Salvacion on DZBB
July 12, 2023
Q: Noong nakapanayam ka namin, nabanggit mo sa amin na may relasyon itong ginagawa ninyo, natuklasan nyo na may relasyon ito doon sa mga previous Senate hearing, no? Ito bang Senate hearing na ito yung tungkol sa Pharmally ma'am?
Senator Risa Hontiveros (SRH): Yun na nga po yung lumabas na noong nakaraang hearing namin. Kasi noong ni-raid na yung POGO sa Bamban, Tarlac, maraming papeles ng iba't-ibang mga POGO ang natagpuan doon. At isa na doon ay yung Brickhartz Technology Inc. E nung sinuri namin yung mga incorporators niyang Brickhartz, isang pangalan ang nag-stand out. Nagngangalang Gerald Cruz.
Pamilyar ang pangalan na ito sa amin kasi si Gerald Cruz ay incorporator din ng Pharmally Biological Company Inc. Oo. And talaga thanks to the extensive Pharmally meetings led by the Blue Ribbon Committee sa ilalim ni dating Chair Sen Dick, alam natin na itong si Gerald Cruz, incorporator din ng isa pang kumpanyang nagnangalang Fullwin. O, sino ang chairman ng Fullwin? Si Michael Yang.
But wait, there's more. Itong POGO na Brickhartz, ang email ay pareho din pala sa isang kumpanya naman na tinatawag na Xionwei Technologies Inc. POGO din po yan. Kung saan ang sinasabing may-ari din ay si Michael Yang din. Kung saan ang sinasabing may-ari din ay si Michael Yang din. So yes, ang mahiwagang Michael Yang, si Michael Yang na dating economic presidential advisor, si Duterte, Michael Yang na napakalapit sa dating Pangulo.
So, tila itong mga POGO ay one big happy Pharmally.
Q: Ito si Michael Yang. Yan din po yung pinapa-arresto ng Kamara dahil hindi uma-attend sa drugs?
SRH: Oo nga, tama kayo. Tama.
Q: Okay, ma'am, ano ang relasyon nito? Kasi parang sinasabi ninyo, parang baka magdugtong ito kay dating Pangulong Duterte.
SRH: Well yun na nga po. Kung mapatunayan namin na patuloy na kasangkot si Michael Yang dito pati sa iniimbestiga nating mga ugat ng problema natin sa POGO, alam nga natin na dati siyang economic presidential advisor kay Duterte, napakalapit niya sa dating pangulo. So iniisip po namin, baka yung nabitin noon na imbestigasyon sa Pharmally na i-establish yung connection pati ni Duterte dyan,
baka dito sa POGO ay ma-establish po namin.
Q: Medyo lumalalim ito ma'am, parang baka sabihin naman ng taong ba parang hindi na ba matitigil, hindi mahihinto, parang walang period. Sa tingin niyo hanggang kailan patatakbo itong imbestigasyon po ng Senado?
SRH: Well mukhang marami-rami pang kabanata ang POGO fiasco na ito. But hopefully ilan na lamang hearing ay sa wakas maisasara na namin.
Actually, itong apat na taong imbestigasyon ng Senate Committee on Women laban sa POGO kasi nagsimula yan sa POGO-related prostitution, naging illegal detention, naging yung mahabang mga buwan sa pastillas scam hanggang dumako dito sa bulto-bultong human trafficking, cyber scamming, money laundering, itong angulo pa ng espionage at ito ngang pagbenta at pagkasangkapan ng Filipino citizenship para bigyan ng legal cover ang POGO at mga krimeng nakakabit dyan.
Honestly, dati akala na namin patapos na ang imbestigasyon sa POGO, may bagong victim survivor na lalapit. May bagong whistleblower na magsusumbong na nanganak nang nanganganak ng problema itong POGO.
Q: Lumitaw nga rin dito, yung pamemeke ng birth certificate, tapos para makakuha ng human trafficking, para maging Filipino citizen. Dito po sa Santa Cruz, ano yan? Sa Davao del Sur. Ma'am, ano pala ito? I think there's a flaw in our system. Kasi pagka nag-apply ka sa PSA, ay wala ka record dito. Punta ka sa local civil registry. Doon ka kukuha. So ang local civil registry, pagka-kinorrupt mo yan, kung ano man ang in-issue niyan, siyempre kukunin ng PSA. So I think there's something wrong with our system. Na tingin natin kung ito'y in aid of legislation, itong ginagawa po ninyo. Baka pwede masilit na rin yun. May mga butas doon ma'am. Di ba? May mga butas.
SRH: Opo. Actually, meron na ngang mga kababayan tayo at mga netizens, batid po nila yung napapansin ng komite na brittle yung ating regulatory system at yung pagka mabuay na yan, pinagsasamantalahan ng mga may masasamang balak pero hindi po papayag ang Senado na tuluyan nilang sirain itong sistemang ito kailangang i-re-reporma ng bawat department at attached agency na kalahok ngayon sa aming imbestigasyon yung nasisilip nilang mga cracks na ganun, PSA man yan or ung isang nakaraang hearing na Philippine Retirement Authority din, kahit nga po yung NBI din, kasabay ng mga ongoing na reporma na sila nagkakaroon sila ng realization dito sa aming imbestigasyon na mayroon talaga silang higpitan pa sa kanilang mga sistema at nakakooperasyon among each other para tigilan na yung ganitong pagsasamantala sa mahinang mga sistema natin at the hands ng mga kriminal.
Q: Balikan ko lang po yung pagdinig. Kahapon, di ba nag-decide ang AMLC, magkaroon na ng freeze order sa lahat ng ari-arian at napakaraming bank accounts pala nito si Mayor Alice Guo. Pero yung issue ng pagpapaaresto sa kanya ng Senado at sa kanyang pamilya, kailan po yun maisasagawa o mailalabas yung arrest warrant sa kanila?
SRH: Well, as we speak, pinoproseso ng arrest order para sa mga cinite in contempt. At sigurado ko, gagawin yan sooner rather than later. So, para maalala po ng ating mga tagapakinig, kasama dito si Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping, pati na yung kanyang mga kapamilya. Ang tatay niyang si Jian Zhong Guo, ang mga kapatid niyang si Sheila Guo, Seimen Guo at Wesley Guo, at ang nanay nilang si Lin Wen Yi.
At kasama rin sa mga kinontempt ha, si Dennis Cunanan, convicted na dating TLRC Deputy Director General. Dahil nakita sa mga dokumento na authorized represeantative siya ng POGO sa Bamban Tarlac at yung POGO sa Porac. Pampanga.
At yung isa pa ay si Nancy Gamo ang nakapirmang personality na nag-aayos ng mga papeles ng POGO n naraid sa Bamban saka nakapirma din siya sa mga papeles ng ibang mga negosyo ni Mayor Alice Guo. Cinite silang lahat in contempt dahil sa patuloy na hindi pagdalo sa hearing. E pambabastos po yan sa institusyon ng Senado. At dahil nasubpoena na sila nung una, obligasyon nilang respetuhin ang batas ng Pilipinas.
Kritikal ang mga papel nila sa imbestigasyon tungkol sa mga krimeng dala ng Pogo sa bansa. Kaya hindi katanggap-tanggap na isnabin nila ang subpoena.
Q: Pero ang monitoring po ba ng immigration? May report po ba sa inyong immigration na lahat ng nabanggit ninyong personalidad ay nasa atin pa dito sa Pilipinas o baka may mga nakalabas na dyan?
SRH: Opo, actually sa isang nakaraang hearing, sinabi po ng BI na yung mga magulang ni Mayor Alice Guo ay mukhang bago na issue yung ILBO, Immigration Lookout Bulletin Order, ay nakapag-abroad na. So ang inaasahan po namin ay si Mayor Alice Guo at yung kanyang mga kapatid at yung iba pa naming cinite in Contempt na sila ay nasa bansa pa.
Q: Unfortunately, pag-lookout bulletin hindi yan pwedeng harangin, ma'am. Lookout lang yun. So na-alert lang ang immigration din. Pero nabanggit kasi yung pangalan ni Atty. Harry Roque. Siya ba ipatatawag din ang inyong komite?
SRH: Opo, patatawagin po namin siya, pati si dating PAGCOR Chair Domingo. Kasi si dating Sec. Harry Roque, eh, todo deny siya na di daw siya sangkot sa niraid na Lucky South 99, yung POGO na ni-raid sa Porac.
Kaya lang, iba ang sinasabi ng ebidensya. Eh, isa sa mga official attachment na pinasa ng Lucky South 99 sa PAGCOR para sa kanilang application ay isang dokumento ng organizational chart kung saan nakadrawing na legal, may box, legal si Harry Roque ng kumpanya nila.
At huwag din po natin kalimutan na si PAGCOR Chair Tengco mismo, nitong nakaraang hearing namin, nagsabi na si Harry Roque ang sumama kay Cassandra Li Ong na incorporator ng Lucky South 99 para makipagpulong sa kanya dahil sa issue daw ng kumpanya sa tax.
O sabi din yung Assistant President ng Offshore Licensing Department ng PAGCOR na si Atty. Jessa Fernandez, nitong hearing din namin, si Harry Roque ang nagfa-follow up. Nagtatanong kung ano pa ang mga lacking documents na kailangan i-comply, o ano ang status ng application ng Locking South 99. Naka-anim na follow-up daw siya sa PAGCOR. Eh, baka, ano ba nangyayari pagkatapos ng mga rebalasyong ito sa hearing? Sabi niya ni Atty. Roque, di daw niya alam kung bakit nandun yung pangalan niya sa organizational chart.
Aba, itong mga konektado sa POGO, puro nalang puro nalang hindi alam o hindi maalala ang sagot, ano?
Q: Baka naman po, ano, kaso din yung ibang katulad na nagamit na incorporator. Mayroon silang history na nagagamit ng pangalan. Pero I'm sure makukwestiyon naman si Atty. Harry Roque once na humarap sa Senado.
SRH: Opo. Kasi bakit siya sumama sa may isang incorporator ng Lucky South 99, bakit siya sumama sa isang incorporator ng Lapsed Out 99, sa pulong, at bakit siya nagpa-follow up kung, kumbaga, kung biktima rin lang siya ng identity theft. Hindi eh, sarili niyang katawan ang pumunta sa pulong, sarili niyang boses ang tumatawag sa PAGCOR pagkatapos.
Q: Senator, maraming nababanggit na iba pang pangalan, katulad nung mga nasasangkot na galing sa Pharmally, hindi po ba? Yung pong mga pangalan, mga big shot ito, Joel hindi mga ordinary mamaayan ito at hindi basta mga negosyante. Paano po sila itatrato ng Senado ngayon? Sila din po ba ay paharapin ninyo sa mga darating pampagdinig kagaya ni si Michael Yang na hinahanap din ang Kamara.
SRH: Pag-uusapan pa namin kung pahaharapin na namin si Michael Yang pero iimbitahin na talaga namin yung Gerald Cruz kasi lumabas siyang pangalan sa dokumento ng isang POGO company na ang papeles ay natagpuan dun sa POGO raid sa Bamban, yung Brickhartz Technology. And then patuloy namin susundan ang clues bula sa Brickhartz at Pharmally biological na nakalista dun pareho si Gerald Cruz at ang iba pa niyang business connections, both mga kumpanya tulad ng Full Win at saka yung mga opisyal ng ibang mga kumpanyang iyon tulad ni Michael Yang o plus yung Xionwei Technology pa. So patuloy po naming i-reresearch iyan.
Q: Actually nalula kami Senadora dun sa lumabas na pera ni Mayor Alice. 28 billion sa isang pangalan lang po, ma'am. Parang kaya niya tumbasa ng kayamanan po ng mga ambani ng India. Pwede niya papuntahin dito si Justin Bieber, no, ma'am?
SRH: O di ba may pag-asa na rin tayong mag-concert dito si Taylor Swift. Di ba?
Q: Nagulat lang ako, merong isang tao na gano'ng karami ang pera. Ano yun ah? Accounts lang yun? Hindi pa natin pinag-uusapan ng iba pa ang mga assets. Yung assets. Oo, di ba? Pero hindi naman mahahantong doon sa pag-hahalukay ng mga detali kung bakit may gano'ng klase ng kayamanan si Mayor Goano po doon sa inyong imbestigasyon?
SRH: Sinimulan na rin po namin sa investigation ng Committee on Women, opo yung pagtatanong na paano kaya napondohan ang pagtatayo ng isang POGO Hub sa Bamban kung sa mga nauna lang niyang maliliit at medium size at well, mga ilang ilang malalaking negosyo na nung ipakita naman yung mga financial statements nung ilang mga taon, halimbawa yung pinakita ni Sen Sherwin, eh napaka-nipis naman ng kita na nakareflect doon o di kaya may mga taon na lugi pa nga.
Kaya po yung angulo ng money laundering ay aming ding inimbestiga. Of course, yung kanyang conspicuous consumption, eh tawag pansin talaga kahit sa netizen. Yung mga luxury na damit, alahat, sasakyan. Hindi lang mga luxury vehicles na pang lupa, e meron pang chopper.
Q: Salamat sa oras, ma'am. Thank you. Si Sen. Risa Hontiveros, Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality.